Giyera sa giyera sa pagitan ng Bagani at Kambal Karibal mas tumindi pa;LizQuen vs BiGuel sa primetime
NAPAPANOOD pa ang Bagani despite the reported “removal” of Liza Soberano. “Pinatay” ang character niya sa kuwento sa isang episode.
Inakala ng mga viewers na solo na si Enrique Gil sa seryeng originally ay nilikha para sa follow-up project nila ni Liza on TV.
Ang “pagpatay” raw sa karakter ni Liza ay para bigyang-daan ang kanyang “Darna” movie kung saan du’n ibubuhos ni Liza ang kanyang oras at atensiyon. And yes, literally her physical energy.
We couldn’t help but cast our aspersions though sa naging turn of events.
Kung ita-timeline kasi ang work sked ni Liza, matagal nang nasa planning table ang Bagani. Maaaring nauna nga lang upuan ng creative team ang “Darna” dahil if our memory serves us right ay balitang kalahok pa nga ito sa Metro Manila Film Festival last year.
While marahil ay kasado na ang nth remake ng “Darna”, baka binabalangkas na rin ang Bagani. Dahil isang madugong project ang Bagani, we could imagine kung gaano katagal binusisi ng think tanks ang bawat aspeto ng production: mula sa kuwento, research, costume and other historical considerations, if any.
Probably the easiest aspect ay ang casting. Ganu’n naman ang karaniwang creative process sa paggawa ng teleserye.
Mas nauunang binubuo ang lead cast, then saka hahanapan ng plot na aangkop sa mga pangunahing bida. And as a rule of thumb, kung meron mang bagong salta sa network who needs to be given an immediate assignment, mistulang dumpsite ang seryeng ‘yon na pagsasaksakan sa kanya.
Flexible naman kasi ang takbo ng kuwento. Nanganganak kahit nag-“menopause” o “ligated” na ang kuwento. Kaya pwede talagang mabuhay si Liza sa istorya.
Pag tumataas ang ratings at pinapasok ng maraming patalastas, kahit kailangan nang tapusin ang kuwento, expect a never-ending saga.
Ang karakter na namamatay ay nabubuhay. Yes, maraming himalang nagaganap sa teleserye na mahihirapang ipaliwanag ng siyensiya o kahit ng mismong ordinaryong manonood. But that’s the way things are on TV.
Sa kaso ng Bagani, ito’y isang LizQuen project. Malaki at ginastusan dahil mga prized possession naman sila ng network.
Pero huwag sabihing porke’t may ginagawang malaking pelikula si Liza such as “Darna” ay isasantabi niya ang Bagani na idinesenyo sa kanya, sa kanila ni Enrique. Let’s embrace the truth na kasi.
Aminin na lang ng ABS-CBN na nasilat sila sa Bagani. Ang inakala nilang papalo sa viewership ay inilalampaso ng Kambal Karibal na ang lead cast na binubuo nina Bianca Umali at Miguel Tanfelix ay hindi kasingsikat at ka-bankable ng LizQuen.
Talk about David and Goliath. Naigupo ni David si Goliath sa pamamagitan ng slingshot.
In this case, tinira’t nasapul ng KK ang Bagani. Ergo, para na lang marahil hindi madamay si Liza sa kapalaran ng Bagani ay “pinatay” na ang kanyang karakter. “Darna” movie ang ginamit nilang excuse so that she could “fly” gracefully.
q q q
Genuine friendship—a rarity in showbiz—ang tema ngayong gabi ng Celebrity Bluff. In the race for the elusive jackpot prize ay sina Ruffa Gutierrez-Donita Rose, Snooky Serna-Sunshine Cruz at Mel Martinez-Arianne Bautista.
Ang aktor na may resurrected career na si Gabby Concepcion ang guest bluffer kasama sina Broad Pete at Boobay.
Except for Donita, produkto ng Regal sina Snooky, Sunshine at Ruffa. Pairalin kaya ni Gabby ang favoritism, himself also a Regal discovery? For all we know, baka kumiling pa siya kay Mel, kapatid ni
Maricel Soriano, when it comes to hinting at the correct answers. Para-paraan lang ‘yan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.