PINAALALAHANAN ng Philippine National Police (PNP) ang mga may baril na bawal nang dalhin ang mga ito ng walang exemption mula sa Commission on Elections (Comelec) sa harap ng pagsisimula ng implementasyon ng gun ban bukas para sa barangay at Sangguniang Kabataan elections.
Sinabi ni PNP spokesperson Chief Supt. John Bulalacao na epektibo na ang gun ban para sa eleksiyon sa Mayo 14 ganap na alas-12:01 ng umaga ngayong araw, at tatagal hanggal Mayo 21, o dalawang linggo pagkatapos ng halalan.
“Inaasahan ‘yung ating kababayan para hindi sila magkaroon ng problema tungkol sa kanilang mga baril ay ‘wag na muna nilang dadalhin dahil bawal na bawal na magdala tayo ng baril lalo na sa labas ng ating bahay kung wala tayong gun ban exemption from the Comelec,” sabi ni Bulalacao sa panayam ng Radyo Inquirer.
Nagbabala si Bulalacao na aarestuhin ang mga lalabag sa gun ban at mahaharap sa kasong illegal possession of firearms at paglabag sa election rules.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending