Horoscope, April 13, 2018 | Bandera

Horoscope, April 13, 2018

Madam Sophia |April 13,2018
facebook
share this

Horoscope, April 13, 2018

Madam Sophia - April 13, 2018 - 12:15 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Panahon na upang ayusin ang buhay! Ano ba ang higit na mas mahalaga, ang barkada o ang pamilya? Pamilya dapat ang mauna upang habambuhay kang umunlad at lumigaya. Biyernes-trese ngayon, maraming suwerte at magagandang kapalarang kang matatanggap ng hindi mo inaasahan. Mapalad ang 4, 18, 29, 38, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Bhagava-Githa-Om” Yellow at gold ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) — Sa pamamagitan ng determinasyon at pagiging buo ng loob, malaking suwerte at magagandang kapalaran ang iyong matatanggap. Sa pag-ibig, kumbinsihan ang kasuyo na mag-open kayo ng isang maliit na business upang mas madaling mapalago ang kabuhayan. Mapalad ang 9, 18, 27, 34, 40 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Krisna-Om” Red at maroon ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) — Ito na ang tamang araw upang magsimulang paunlarin ang kabuhayan. Ipunin nang ipunin ang kinikitang pera sa pamomolitika, wag gasta nang gasta. Para madali kang maka-ipon, magpatago sa kasuyong kuripot. Mapalad ang 2, 7, 16, 25, 34, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Sarva-Dushta-Om.” Green at magenta ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) — May paglalakbay na magaganap! Pagkakataon nang iplano ang mga pangarap at ambisyon sa buhay sa tahimik at malayong lugar. Sa susunod na taong 2018 isa-isa at kusa nang matutupad ang mga pangarap. Mapalad ang 3, 19, 23, 28, 34, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Dhuvina-Minna-Om.” Beige at white ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) — Kaya hindi ka yumayaman, kulang ka sa lakas ng loob! Kapag lumakas ang iyong loob na magnegosyo na may kaugnayan sa butil at pagkain, mabilis kang uunlad at yayaman. Sa pag-ibig, himukin ang kasuyong Capricorn na magpayaman din. Mapalad ang 5, 8, 23, 26, 35, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Shanti-Beeja-Om.” Lilac at maroon ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) — Wag makisawsaw sa usapan na iba, may babala na mapa-away ka lang at masusuong na naman sa intriga. Sa pinansyal at pag-ibig, imbes na atupagin ang pakikipagtsismisan, ang asikasuhin ay ang sariling pamilya. Mapalad ang 2, 4, 13, 22, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Jagat-Guro-Nema-Om.” Yellow at pink ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) — Minsan dapat mo ring ikonsidera ang damdamin ng iba, hindi ‘yung puro sarili mo lang ang iyong iniintindi! Kapag binuksan ang puso sa iba upang sila ay mahalin, mas mabilis kang uunlad at liligaya. Mapalad ang 4, 13, 22, 31, 40 at 48, Mahiwaga mong mantra:“Aum-Dhipana-Ghopalago-Om.” Black at green ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) — Mali ang ginawa mong pagtanggi, paano kung dumating ang sandali na ikaw naman ang mangailangan at pagkatapos ay tanggihan ka? Panatiliin ang pagiging bukas-palad upang lalo ka pang pagpalain ni Lord. Mapalad ang 3, 12, 22, 31, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Udatta-Savitra-Om.” Pink at gray ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) — Hindi ka na nadala, bakit nakikipag transaksyon ka na naman sa mga walang kuwentang tao? Umiwas sa mga masasama upang lalong bumuti ang kapalaran. Sa pag-ibig, wag nang pumatol pa sa iba, pagtiyagaan ang kasuyong maitim. Mapalad ang 5, 9, 18, 27, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Ujalam-Avayara-Om.” Blue at silver ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Yayaman ka sa pamamagitan ng unconventional at kakaibang paraan. Sa pag-ibig, kikiligin ang kasuyo sa kakaibang estilo ng romansa. Mapalad ang 2, 9, 24, 34, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Baba-Nam-Ke-Balam”. Black at maroon ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) — Magkakapera ng malaking halaga, basta’t lagi ka lang dumikit sa isang Taurus. Sa pag-ibig, bukod sa Taurus, ka-compatible mo rin ang Cancer at Scorpio. Mapalad ang 2, 11, 20, 34, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Dosya- Minna-Galla-Om”. Green at peach ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) — Pagtiisan ang kasuyong walang kuwenta, darating ang panahong magbabago rin siya. Sa pinansyal, kailangang makaisip ka ng sariling pagkakaperahan upang hindi ka laging nakaasa sa iba. Mapalad ang 7, 11, 20, 38, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Sharin-Shara-Om.” Yellow at orange ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) — Hangga’t may panahon pa at maganda pa ang kinikita, mag-ipon at mag-savings para sa future. Sa ganyang paraan, ngayon pa lang ay pinaghahandaan mo na ang future, magkakaroon ka ng security at peace of mind, mas magiging maligaya ang iyong pagtanda. Mapalad ang 3, 12, 21, 30, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Rasada-Dosya-Om.” Red at white ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending