Van na-shoot sa palayan; 13 sugatan | Bandera

Van na-shoot sa palayan; 13 sugatan

John Roson |April 12,2018
facebook
share this

Van na-shoot sa palayan; 13 sugatan

John Roson - April 12, 2018 - 05:31 PM

Labintatlo katao, kabilang ang isang pulis, ang nasugatan nang mahulog sa palayan ang isang pampasaherong van sa Sta. Margarita, Samar.

Kabilang sa mga sugatan si PO1 Genaro Marito Jr., 30, nakatalaga sa Sta. Margarita Police Station, ayon sa ulat ng Eastern Visayas regional police.

Naganap ang insidente dakong alas-3:40 ng hapon Martes, sa bahagi ng National Highway na sakop ng Brgy. Palale.

Minamaneho ni Marino Obiena, 47, ang van (ABP-4470) mula Catbalogan City patungong Calbayog City, nang bigla umanong maidlip ang driver, ayon sa ulat.

Dahil dito’y nag-swerve ang sasakyan at nahulog sa palayang nasa gilid ng highway.

Dinala ang mga sugatan sa isang pagamutan sa Calbayog, habang ang driver ay dinala sa Sta. Margarita Police Station para maimbestigahan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending