Dennis: Kapag inulit pa niya 'yun, magiging action star na talaga ako! | Bandera

Dennis: Kapag inulit pa niya ‘yun, magiging action star na talaga ako!

Ervin Santiago |April 13,2018
facebook
share this

Dennis: Kapag inulit pa niya ‘yun, magiging action star na talaga ako!

Ervin Santiago - April 13, 2018 - 12:05 AM

DENNIS PADILLA AT JOSHUA GARCIA

MALUHA-LUHA ang komedyanteng si Dennis Padilla nang makachikahan ng ilang miyembro ng entertainment press kamakalawa sa taping ng sitcom na Funny Ka, Pare Ko na napapanood sa CineMo ng ABS-CBN TVPLus.

Ito’y matapos ngang matanong tungkol sa relasyon ng kanyang anak na si Julia Barretto sa boyfriend nitong si Joshua Garcia. Inamin ng binata na nag-away sila ni Julia nang dahil balitang nakikipag-flirt siya sa ibang babae na wala naman daw bahid ng katotohanan.

Ayon kay Dennis, talagang nagiging emosyonal siya kapag mga anak na niya ang involved sa anumang isyu, lalo na kay Julia na talagang bahagi na ngayon ng makulay ngunit magulong mundo ng showbiz.

Ayon sa komedyante, tinanong na niya ang anak noong makasama niya ito noong Holy Week tungkol sa mga tsismis sa kanila ni Joshua.
“Wala akong alam, eh. Kaya lang may mga nagkukuwento sa akin. So ako hindi naman ako basta naniniwala, so gusto kong magtanong. Eh di ‘yun tinanong ko siya, ‘Nagkikita pa ba kayo ni Joshua?’

Sabi niya, ‘oo naman Pa, kaya lang busy ako sa work, busy rin siya sa taping.’ Ah, oo nga pala may teleserye rin siya. So I felt na ayaw niya i-discuss so pinutol ko na lang din out of respect.

“Tsaka adult na ‘yang mga ‘yan eh. Pero nu’ng pictorial nga namin para dito (Funny Ka, Pare Ko 5th season), medyo iba na ‘yung narinig ko, so na-confirm ko totoo pala na nagkaroon ng problema,” pahayag ni Dennis.

Pagpapatuloy pa ni Dennis, “‘Di ba meron akong previous interview o guesting sa Magandang Buhay and then nag-guest si Joshua and si Julia. So during their interview, ni-replay yung portion ng interview ko about him. Ang sabi ko du’n, basta huwag mo lang lolokohin ‘yung anak ko, ‘wag mong sasaktan ang anak ko. Kaya lang nagiging action star ako if you’ll do otherwise.

“Tapos natuwa naman ako du’n sa sagot niya na, ‘Ah naiintindihan ko naman Tito Dennis, pero hindi ka magiging action star.’ Kaya ayun lang ang message ko kay Joshua, siguraduhin mong hindi ako magiging action star kasi anak ko ‘yan alam mo ‘yun,” sey pa ni Dennis.

Inamin din ng komedyante na nagkaroon sila ng man-to-man talk ni Joshua last year, “Father’s Day ‘yun hindi ko makakalimutan. Nag-usap tayong dalawa, lalaki ka, lalaki ako. So kung magkakaroon ng problema, kausapin mo rin ako kasi nag-usap tayo ‘di ba?

“Iba ‘yung nag-uusap nang personal kaysa sa nababalitaan mo lang. Eh, siyempre ayoko namang gawing basis ang kuwento. Gusto ko du’n sa tao mismo manggaling,” aniya pa.

Gusto ba niyang makausap pa nang personal si Joshua pagkatapos ng nangyari? “Oo naman, mag-sorry lang sa akin, okay na ‘yun. Sabihin niya, ‘Sorry, Tito Dennis.’ Kapag inulit niya ‘yun magiging action star na talaga ako. Wala nang makakapigil nu’n. Tsaka hindi na ako nagpapatawa nun.”

“Pero sa narinig ko, okay na naman daw. So, ayun good luck sa JoshLia, bigyan po natin sila ng isa pang pagkakataon at masaya po ang partnership nila at alam kong mahal na mahal ng anak ko si Joshua,” sabi pa ni Dennis.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending