Jennylyn: Makakahanap din ako ng father image para sa anak 'ko! | Bandera

Jennylyn: Makakahanap din ako ng father image para sa anak ‘ko!

Ervin Santiago - April 12, 2018 - 12:01 AM

DALAWA sa members ng cast ng bagong primetime serye ng GMA na The Cure ay mga working and single moms – sina LJ Reyes at Jennylyn Mercado.

In fairness, pinatutunayan nina Jen ay LJ na walang mahirap sa pagiging single at working mom kung marunong ka lang magbalanse ng oras at mag-prioritize ng mga bagay.

Nakachikahan namin ang dalawang Kapuso stars sa taping ng The Cure at tinanong namin sila kung ano ang mga tips na maibibigay nila sa mga kapwa nila working mothers.

Ayon kay LJ, “Ang tips ko for working moms siyempre first know your priorities para pag nag-manage ka ng time mo alam mo kung ano ang uunahin mo, alam mo yung iseset-aside mo. I know sometimes it will be very difficult to choose, nangyayari naman talaga yan.

“Second is time management. Kailangan lang alam mo kung paano mo ia-allot yung oras with your tasks and sa career mo and sa family. And don’t forget to spend time pa rin with your kids kahit pa sabihin natin, lalo na tayong mga career driven na parents, wag kakalimutan na importante pa rin to spend time with your kids.

“Siyempre always, always, yun yung pinakaimportante for me is to pray, di ba? Let’s pray about everything. Your career, work, family, kids, husbands, wife,” pahayag pa ng mommy ni Aki, ang anak niya kay Paulo Avelino. Si Paolo Contis ang bagong karelasyon ngayon ni LJ.

Sey naman ni Jen, “Isa sa mga reason kung bakit ngayon hindi ako masyadong tumatanggap ng mga ibang projects kasi gusto ko rin…kasi mejo critical yung stage nung anak ko.

“Lalo na ngayon, marami na silang tanong, marami na silang napapanood, ang dami na nilang nalalaman. Importante na at least na para sa akin meron na akong three times a week na kasama ko siya, nilalabas ko siya, nagba-bond kami.

“Kailangan lang time management. Kasi kaya naman, eh. Katulad ko may choice ako. Nagte-taping ako ng MWF. Nagre-request ako ng, tita please wag n’yo ng lagyan yung Tuesday, Thursday, Saturday kasi para kay Jazz na yun.

“Nakikiusap lang ako. Madali lang naman eh, kung gugustuhin mo pwede naman talagang gawan ng way. Kung sa time hindi magiging problema yung time para sa akin,” sey pa ni Jennylyn.

Tanong namin kay Jen, hindi ba problema na lalaki ang anak niya? “Hindi naman, kasi nasa iyo naman kung paano mo iha-handle eh. Like, well of course kailangan natin ng father image, di ba?

“I think darating din naman yung time na yun na makakahanap ako ng partner at ng tamang father image para kay Jazz. Sa ngayon kasi hindi pa naman formula. Ayoko ma-pressure di ba?” aniya pa.

Hindi pa ba si Dennis Trillo ang perfect father image kay Jazz? “Yun lang, so darating yung tamang panahon sa mga ganyang bagay. I think ngayon naiintindihan niya naman yung situation. Pagdating ng panahon na yun saka n’yo ko tanungin uli,” pag-amin pa ng Kapuso Ultimate Star.

q q q

Mas tumitindi pa ang mga kaganapan sa Afternoon Prime series na Contessa. Pero knows n’yo ba na hindi napapanood ni Glaiza de Castro ang kanyang eksena pagkatapos ng take?

Sa interview ng GMANetwork.com, ito ang ang explanation ng aktres, “For the first time, gumagawa ako ng isang soap na hindi ako nakakapag-preview after the take. So lahat ‘yun hindi ko talaga alam kung ano ang itsura.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Dahil hindi siguro nakasanayan sa prod na magkaroon ng playback. Iba-iba kasi ‘yung type ng director, iba-iba ‘yung approach nila. Siguro for this show, walang playback eh. Pero okay lang din in a way, different. Nakakapanibago dahil normally titingnan mo after the take,” aniya pa.

Patuloy na tutukan ang Contessa, Lunes hanggang Sabado, pagkatapos ng Eat Bulaga sa GMA Afternoon Prime. Kasali rin dito sina Lauren Young at Gabby Eigenmann.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending