Gabby sa hindi matuluy-tuloy na pelikula nila ni Mega: Wala sa akin ang problema!
Masaya naman si Mark Bautista para kay Christian Bautista. He simply wished him happiness and a lasting married life.
Mas gumaling pang mag-perform si Mark ngayon at mas lalong naging buo at mataas ang timbre ng kanyang boses.
Masaya rin siya sa naging reception ng teachers and residents of Agusan del Norte na kinausap pa niya in Visayan dialect dahil aniya halos magkalapit lang ang Agusan sa kanyang mother land na Cagayan de Oro.
Ibinalita rin ni Mark na doble ang excitement niya sa nalalapit na guesting niya sa anniversary concert ni Sarah Geronimo.
“Would you believe na kinakabahan ako dahil ngayon lang uli kami magsasama sa isang show? Sarah will always be part of my showbiz career. Talagang special friends kami,” hirit pa ni Mark.
Samantala, literal na dinumog ng mga taga-Agusan ang mga celebrities nag-perform sa Gabay Guro event pero iba pa rin talaga ang karisma ni Gabby Concepcion sa mga tao.
Kahit sina Jona, Jason Dy at Ate Gay and company ay engrossed na engrossed sa presence ni Gabby who sang and danced with the audience na talagang nagkagulo nang pumagitna na sa stage. At 50’s, hindi pa rin nawawala ang karisma at kaguwapuhan nito at husay sa pagkiliti ng crowd.
At nang tanungin namin siya kung ano ba talaga ang problema sa hindi matuluy-tuloy na reunion movie nila ni Sharon Cuneta, ito ang naging sagot ni Gabo, “Wala sa akin ang pagtanggi sa gustong maging billing ng producer. Wala rin sa akin ang problema tungkol sa legacy at isyu ng co-production.”
Will give you the juicier details about this sa next issue. Ha-hahaha!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.