Paalala sa sarili: ‘Kalma lang Rhian, hindi ka bodybuilder!’
HINDI nakipagsabayan si Max Collins kina Lovi Poe at Rhian Ramos sa Zambales summer escapade ng series nilang The One That Got Away.
Balot na na balot ang katawan ni Max sa suot na outfit, naka-pekpek shorts lang si Lovi habang si Rhian, feel na feel ang pasiklab niyang two-piece bikini, huh!
Post ni Rhian gusto niyang maging healthy ang katawan para sa ngaragang episodes ng TOTGA.
“I’m really trying to choose health over vanity. I just tell myself, Rhian, kalma, hindi ka bodybuilder. O yan, wag nyo ako pagtripan mamaya sa giggles ha, wala kayong sasabihin na hindi ko alam! #TodoDisclaimer,” rason ni Rhian.
Naku, kung kasama sa taping si Solenn Heussaff, tiyak na hindi ito pakakabog kay Rhian pagdating sa pagpapaseksi, huh! Knowing Solenn na wala ring keber sa paghuhubad, lalo na sa mga photo at video na naka-post sa kanyang IG!
Abangan ang pagpapatuloy ng TOTGA sa GMA Telebabad, dahil siguradong napakarami pang mangyayari sa kuwento na siguradong ikagugulat n’yong lahat.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.