outbrain

Melai humagulgol nang makita ang litrato ng yumaong lola

April 11,2018
share this

Melai humagulgol nang makita ang litrato ng yumaong lola

April 11,2018 - 12:35 AM

MELAI CANTIVEROS

IYAK nang iyak si Melai Cantiveros sa episode kahapon ng Kapamilya morning show na Magandang Buhay matapos makita ang litrato ng kanyang pamilya kasama ang lola niyang patay na.

Naging emosyonal ang TV host-comedienne nang tanungin ng co-host niya sa programa na si Karla Estrada kung paano niya ipinagdiwang ang kanyang kaarawan ngayong wala na ang kanyang lola.

“Every year pumupunta si Lola rito. Tapos ngayon, kamamatay lang niya. Pero sobrang happy naman kami kasi sure kami na nasa heaven si Lola,” sey ni Melai.

Dugtong niya, “Nalulungkot lang kami kasi ‘yung presence niya. At every birthday namin may nine nights kami before ng birthday namin nagno-novena kami sa Birhen dela Asuncion para (maging malusog) kami at si Lola ang number one diyan.”

Isa sa birthday wish ng komedyana ay ang patuloy na maging inspirasyon sa ibang tao. Sa edad na 30 ay wala na raw siyang mahihiling pang materyal na bagay.

“Kasi may asawa na ako na laging nandiyan sa akin, may anak akong dalawa. Ang pamilya ko, good health, thank you. Lord. Ang financial, thank you, Lord, napaka-okay. May mga kaibigan ako, thank you.

“Ang work ko, napaka-happy ako sa work ko kasi masasabi ko talaga na hindi na ako maghahabol ng mga gastusin. So thank you, Lord dahil ito ang celebration ko na kontento ako,” chika pa ng Kapamilya TV host-actress.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending