FINALLY, nagkaroon na ng mukha ang noon pa naming naririnig na dating girlfriend umano ni Pangulong Rodrigo Duterte na niyaya raw nito ng kasal pero dinedma lang siya.
Sa matagumpay na Teachers’ Tribute ng Gabay Guro sa Agusan del Norte, na ginanap sa Butuan City, na-meet namin ang maganda, super sweet at matalinong governor na si Angel Amante-Matba.
Tawa lang ito nang tawa sa tsika naming kaya pala laging ipinagsisigawan ni Pangulong Duterte ang panghihinayang sa kanya dahil bukod sa kanyang beauty queen aura, eh talaga namang napakabait at maasikaso pa.
“Hindi ako updated sa mga ganyang balita,” ang natatawa niyang tsika habang iniistima nang personal ang mga celebrities na kasama namin sa event.
Sa pamumuno ng mahal na mahal nating Chairperson ng Gabay Guro na si Madam Chaye Cabal-Revilla at ng kanyang core team members, walang mga teacher sa Agusan del Norte (at meron pang galing sa katabing probinsya na nag-walk in) na hindi humalakhak, kinilig at nasiyahan sa mga pasabog na sorpresa, kantahan at sayawan.
Ang inyong lingkod ang nagsilbing host ng event kung saan halos 4,000 guro ang dumagsa sa Father Saturnino Urios University Main Gym at pinasaya nina Marian Rivera, Jona, Jason Dy, Mark Bautista, Christian Bautista, Jong Cuenca at Gabby Concepcion at ang masayang tambalan nina Ate Gay at Regina.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.