Anne payag mag-Valentina, Planet Woman sa ‘Darna’
READY si Anne Curtis na gumanap na Valentina sa bagong movie version ng “Darna” na pagbibidahan ni Liza Soberano.
On-going na ang shooting ng “Darna” sa direksyon ni Erik Matti, pero wala pang announcement ang Star Cinema kung sinu-sino pa ang makakasama sa pelikula, lalo na ang makakalaban ni Darna.
Sa panayam ng ABS-CBN, natanong ang TV host-actress kung game ba siyang gampanan ang dyosa ng mga ahas na si Valentina sa muling paglipad ni Darna sa big screen.
“May rumors nga na umiikot,” ani Anne kasabay ng pagsasabing wala pa siyang natatanggap na formal offer mula sa Star Cinema.
“But more than anything, I’d be more interested siguro in playing a villainess of kahit sinong Mars Ravelo character. I have fun kasi playing kontrabida. I’d totally be open to doing it. If given the opportunity, I would love to,” pahayag ni Anne.
Dugtong pa niya, “Meron pa nga sa Darna ‘yung mga girls na galing sa ibang planeta (Planet Women). Marami pang characters na puwede gawin, and I would love to portray one of them.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.