TULOY na tuloy na ang pagbabalik sa boksing ni Senator Manny Pacquiao.
Ibinalita ng dating 8-division world champion na si Pacquiao na makakasagupa niya si WBA welterweight champion Lucas Matthysse sa Hulyo 15 sa Kuala Lumpur, Malaysia.
Sa kanyang huling laban noong Hulyo 2017 sa Brisbane, Australia ay naagaw ni Jeff Horn kay Pacquiao ang kanyang WBO welterweight crown.
Ang 39-taong gulang na si Pacquiao ay may ring record na 59-7-2 at 38 KOs habang ang Argentinian na si Matthysse naman ay may kartadang 39-4-0 at 36 KOs.
Si Matthysse ay galing sa eighth-round KO win laban kay Tewa Kiram ng Thailand noong Enero.
Kinumpirma rin ni Golden Boy Promotions chief Oscar De La Hoya, ang promoter ni Matthysse, ang sagupaan sa Malaysia sa kanyang Twitter account.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.