Nagpiyansa si dating Vice President Jejomar Binay ang anak niyang si dating Makati City Mayor Junjun Binay kaugnay ng maanomalya umanong pagpapatayo ng P1.3 bilyong Makati Science High School.
Nagkakahalaga ng P192,000 bawat isa ang piyansang ibinigay ng mag-ama sa Sandiganbayan Fifth Division para sa apat na kaso ng graft at tatlong kaso ng falsification of public documents.
Ayon sa Ombudsman mayroon itong nakitang iregularidad sa ipinatayong 10 palapag na gusali. Ang contractor ng proyekto ay ang Hillmarc’s Construction Corp., na siya ring nagtayo ng kontrobersyal na Makati City Hall parking building.
Peke umano ang mga dokumento na ginamit sa bidding at itinanggi ng ilang bidder na sumali sila sa naturang proyekto.
Ang ipinatayong gusali ay hinati sa anim na phase at sinimulan noong 2007 ng ang nakatatandang Binay pa ang alkalde ng lungsod.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending