Xian kay Kim: Bumibilis ang tibok ng puso ko! | Bandera

Xian kay Kim: Bumibilis ang tibok ng puso ko!

Ervin Santiago - April 03, 2018 - 12:20 AM


AGAW-EKSENA ang mga sweet photos nina Kim Chiu at Xian Lim na kuha sa isang tourist spot sa South Korea.

Kilig na kilig ang mga KimXi fans nang mag-post ang binata ng mga litrato nila ng kanyang rumored girlfriend nitong Easter Suhday sa mga pinuntahan nilang magagandang lugar sa Korea.

Dito ibinandera ni Xian kung gaano siya kaligaya sa piling ni Kim. Magkasamang nag-spend ng kanilang Holy Week break ang dalawa South Korea.

Sa isang photo nila ni Kim na napapalibutan ng magagandang bulaklak, ito ang inilagay na caption ni Xian: “You make my heart beat faster and slower at the same time!”

Hindi pa diretsong inaamin ng dalawa ang estado ng kanilang relasyon, pero naniniwala ang kanilang mga

fans and social media followers na matagal na silang magdyowa.
Ayaw lang daw talagang umamin nina Xian at Kim para iwas-intriga. Baka raw natatakot sila na manega ang kanilang relasyon kapag inamin na nila sa madlang pipol ang totoo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending