'No smoking' mahigpit nang pinatutupad sa Baguio City | Bandera

‘No smoking’ mahigpit nang pinatutupad sa Baguio City

Cristy Fermin - April 02, 2018 - 12:30 AM


KUMPORTABLE nang marating ngayon ang Baguio City mula sa aming nayon sa Nueva Ecija. Malaking tulong sa pagbibiyahe ang pagbagtas sa TPLEX mula sa Victoria, Tarlac hanggang sa Pozzorubio, Pangasinan.

Sison na ang kasunod, maliit na bahagi ng La Union, pagkatapos nu’n ay nasa Tuba, Benguet na kayo. At ilang minuto pa ng paglalakbay ay mababasa mo na, “Welcome to Baguio City.”

May kalamigan, pero puwede namang lapatan ng makakapal na sweat shirt, nabigo kaming makita ang nagyeyelo na mga dahon ng pananim nang dumaan kami sa Strawberry Farm.

At ang kapansin-pansin ay dalawa lang ang nakaposteng paalala sa City Of Pines, ang “no smoking” at “no parking” signs, wala nang iba pa.

Problemado siyempre ang mga nagyoyosi, one thousand five hundred pesos kasi ang multa, at kung wala ka namang pambayad ay isang buwan na pagkakulong ang katapat na parusa sa ordinansa.

Sabi ng isang waiter na naakusap namin, pangarap daw kasi ng mayor ng siyudad na smoking free ang lunsod na dinadayo ng mga kababayan natin at ng mga turista, na isang magandang layunin na pinagtatagumpayan naman nila ngayon.

Kaya ang mga bakasyunista ay sa mga sariling sasakyan na lang nagpapalipas ng inip at umay sa kanilang kinain, wala kang makikitang nagsisigarilyo sa kahit anong pampublikong lugar, mahigpit nilang ipinatutupad ang ordinansa.

Hindi mo na makikita ngayon ang mga kapatid nating Igorot na palaging may nakasumpal na tabako sa bibig habang nagtitinda. Sumusunod sila sa ipinagbabawal kahit pa mula sa kanilang pagkabata ay kakambal na nila ang ginayat na tabakong ibinabalot nila sa sweet paper.

Mabuhay ang Baguio City!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending