Nagsimula na ang malawakang pagkumpuni ng mga tren at sistema ng Metro Rail Transit 3 ngayong araw.
Sa halip na magbakasyon ngayong Holy Week break, sinamantala ng MRT ang pagkakataon upang maihanda ang sistema sa pagbabalik ng operasyon nito sa Lunes. Noong Martes ay umabot sa 13 tren ng MRT ang bumiyahe at umabot sa 258,182 pasahero ang sumakay dito. Isang tren ang nagkaroon ng aberya. Ayon kay Aly Narvaez, ng Department of Transportation-MRT, target nila na umabot sa 15 ang mga bumibiyaheng tren kada araw upang mabawasan ang siksikan at umikli ang paghihintay sa pagdating ng tren sa mga istasyon. Ngayong araw ay wala namang biyahe ang Light Rail Transit Line 1 at 2 at magsasagawa rin sila ng pagkumpuni sa kanilang sistema. Magbabalik ang kanilang operasyon sa Lunes.Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending