Pagpatay kay Mylene sa 'Good Son' may konek kay John | Bandera

Pagpatay kay Mylene sa ‘Good Son’ may konek kay John

Ambet Nabus |March 27,2018
facebook
share this

Pagpatay kay Mylene sa ‘Good Son’ may konek kay John

Ambet Nabus - March 27, 2018 - 12:25 AM

DAPAT nga bang mag-feel “vindicated” si John Estrada ngayong tsugi na rin sa seryeng The Good Son ng ABS-CBN ang karakter ni Mylene Dizon?

May chika kasing sadyang inuna lang na patayin ang karakter ni John matapos ang napabalitang matinding away sa pagitan nila ni Mylene, pero dahil marami rin namang nagmamahal kay John sa produksyon, talagang ginawan ng paraan ang mga twist and plot ng kuwento.

Mapapansin daw kasing tila walang kalatuy-latoy ang biglang pagpatay kay Mylene sa TGS, sort of saying na minadali na ang pagtsugi sa kanya. Inakala raw kasi ng viewers na siya ang mabubuhay sa huli dahil “good” naman ang karakter niya.

At least daw si John, never nang sinipot ang taping kung saan pinalabas ngang pinatay siya (sa inis diumano ng production, ipinakitang durog ang mukha at nakuha sa mabahong ilog). Unlike kay Mylene na pinahirapan pang bumitin sa building with drama moments bago nahulog at namatay.

May tsismis pa ngang ayaw na raw sanang umakting nang todo ng aktres habang kunwaring hawak-hawak ni Joshua ang mga kamay nito dahil matsutsugi rin naman siya. Ha-hahahaha!

And yes, sadya raw ibinigay kina Joshua Garcia at MacCoy de Leon ang highlights ng nasabing eksena, lalo na kay Joshua na lumabas ang pagkahalimaw bilang aktor.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending