Dating starlet na naging sikat na bugaw bidang-bida sa 'Citizen Jake' nina Atom at Mike de Leon | Bandera

Dating starlet na naging sikat na bugaw bidang-bida sa ‘Citizen Jake’ nina Atom at Mike de Leon

Reggee Bonoan - March 27, 2018 - 12:30 AM


NAPANOOD na namin ang kontrobesyal na pelikulang “Citizen Jake” sa UP Film Center nitong nagdaang weekend na pinagbibidahan ng TV host at broadcast journalist na si Atom Araullo.

Ito’y sa direksyon ng award-winning director na si Mike de Leon mula sa sarili nitong produksyon na Cinema Artists Philippines.

Nakasabay naming manood ang ilang kilalang personalidad kabilang na ang dating Presidente ng ABS-CBN na si Charo Santos-Concio na personal pang inimbita ni direk Mike dahil paborito raw niya ang award-winning actress noon pa. Nagkatrabaho ang dalawa sa pelikulang “The Rites of May” (1976) at “Kisapmata” (1981).

Dumalo rin ang isa sa mentor ni Atom sa larangan ng broadcast journalism na si CheChe Lazaro, partikular na sa educational program noong 5 And Up kung saan unang napanood ang binata.

Sina Atom, Noel Pascual at direk Mike ang sumulat ng script ng “Citizen Jake”, dito walang takot na ipinakita ang mga katiwaliang nangyari noong panahon ng Marcos administration at may sundot din sa mga sumunod na namuno sa bansa.

Para sa amin ay interesting at educational ang kuwento ng “Citizen Jake” at sana’y maraming makapanood nito. Pero ang tanong – payagan kaya itong ipalabas sa mga sinehan?

Nakatakda itong rebyuhin ng MTRCB pagkatapos ng Semana kaya hintayin na lang natin kung anong rating ang ibibigay nila sa pelikula.

Sana’y walang maputol sa movie dahil bawa’t eksena rito ay mahalaga at sigurado kami na hindi rin papayag si direk Mike na putulan ang kanyang obra.

In case na payagan itong ipalabas ng MTRCB sa rating na R-16, sigurado kami na magiging kontrobersyal ito. Tiyak ding maraming tatamaang opisyal ng gobyerno na kasalukuyang nakaupo ngayon.

Sigurado rin kaming maa-identify ng isang high profile female personality ang karakter ng isang bugaw na nagsu-supply ng mga babae sa mga government official. Ito’y ginagampanan naman ni Cherie Gil bilang si Pat Medina na asawa rin ng high ranking official.

Pero bago naging Pat Medina si Cherie ay naging starlet muna siya sa pangalang Rosemarie Velez o R.V. na pinagprodyus ng pelikula ng pinuno ng bansa noon na ang kapalit ay panandaliang aliw. Isa ito sa naging palaisipan sa manonood – sino nga ba si R.V. na kilalang bugaw sa mundo ng politika at showbiz?

Tawa naman nang tawa ang isang babaeng politician matapos mapanood ang pelikula, kilala raw kasi niya ang bugaw na nagdadala ng babae noon para sa isang leader ng bansa.

Hindi lang namin alam kung ang babaeng bugaw na binabanggit sa kuwento ng “Citizen Jake” ay patuloy pa rin sa kanyang “business”.

Marami ang nagsasabi na sana’y maipalabas sa commercial cinemas ang “Citizen Jake” para mas mamulat ang ating mga kababayan sa mga tunay na nagaganap sa ating pamahalaan.

Hiling din nilang mapanood ito ng mga Pinoy voters bago ang susunod na eleksyon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukod kina Atom at Cherie, kasama rin sa pelikula sina Adrian Alandy, Nanding Joseph, Gabby Eigenmann, Teroy Guzman, Lou Veloso, Ruby Ruiz, Max Collins, Anna Luna, Elora Espano, Richard Quan, Allan Paule, Victor Neri, Nonie Buencamino at Dina Bonnevie.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending