Marvin ibinandera ang pagmamahal sa 3 'baby' | Bandera

Marvin ibinandera ang pagmamahal sa 3 ‘baby’

Ervin Santiago - March 27, 2018 - 12:20 AM


SA recent Instagram post ni Marvin Agustin, sinabi ng businessman-actor na proud siya sa kanyang mga “babies” sa Kapuso primetime series na Kambal, Karibal. Ang tinutukoy niya sina Bianca Umali, Kyline Alcantara at Pauline Mendoza.

Aniya, “Im so proud of our babies on the set… they are not just another pretty face, they are very talented, hard working and very dedicated.

“Ganyan ang mga nagtatagal sa industriya. Ang mga taong magmamahal ng trabaho nila. Great job beauties! (Sayang wala si Pau sa shot) And congrats to our show!”

Nakakatuwang makita na kahit anong bigat ng mga eksena nila sa Kambal Karibal ay napapanatili pa rin nilang masaya at magaan ang samahan nila off-cam. Parang isang pamilya na rin daw amg turingan nila sa set kaya naman mas lalo silang nagiging inspirado at ganado sa trabaho.

Worth it kung maituturing ang effort ng buong cast dahil talaga namang pinag-uusapan at trending gabi-gabi ang Kambal, Karibal na napapanood sa GMA Telebabad pagkatapos ng Sherlock Jr.. Kasama pa rin dito sina Miguel Tanfelix, Carmina Villaroel, Jean Garcia, Alfred Vargas at marami pang iba.

Samantala, kinampihan din ng mga netizen si Marvin nang sagutin nito ang isang basher na nanlalait sa kanilang teleserye. Komento nga ng isang follower ng aktor, “Hayaan mo na sila Marvin, karma naman ang katapat niyan! Hangga’t napapaligaya n’yo ang mga viewers every night, kayo ang ibe-bless.”

Sey naman ng isang netizen, “Wag mo na silang pag-aksayahan ng oras baka manega lang ang KK. Mas mabuti na ‘yung kayo ang inaapi kesa kayo ang nang aapi. Good karma yan. Let’s wait for the time na babalik sa kanila ang kanegahan nila!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending