HINDI maikakailang isa sa pinakamahuhusay gumanap bilang kontrabida ay ang Kapuso actor na si Gabby Eigenmann.
Ilang beses nang napatunayan ni Gabby ang galing niya sa pag-arte, napakarami na niyang nagawang teleserye sa GMA at lahat ng role na ginampanan niya ay nabigyan niya ng hustisya. At ngayon nga, sa bagong Kapuso series na Contessa, siguradong muli siyang kaiinisan ng manonood.
Sa isang panayam, nagkuwento ang aktor kung paano niya nagagawang effective ang bawat role niya, “It’s always hard to be the antagonist na paulit-ulit. So you have to be different, you have to come up with another attack on your character.”
Dagdag pa ni Gabby, sa seryeng Contessa, hindi porket magaling na kontrabida ay masamang tao na, “You always have to know the back story of it, what led ‘yung character ko as Vito na porket masama ‘yung family, masamang tao na. Doon natin makikita ang twist. Hindi n’yo naman makikita na babait ako rito, pero why am I bad.”
Bukod dito, mas ginawang challenging ang role ni Gabby sa Contessa dahil isa rin siyang bisexual sa kuwento. Ang Kapuso young actor na si Phytos Ramirez ang gaganap na lover niya sa serye. Sino ang peg niya
sa pagiging bisexual?
“I’ve been watching Narcos (US crime series). I’ve been following Pacho Herrera. Isa siyang karakter doon na balbas-sarado rin, pumapatay ng tao, pero may lover siyang lalaki. So, siya ang peg ko,” ani Gabby.
Sa local showbiz, sino ang peg niya? “Naku, marami! Pero off the record na! Ha-hahahaha!”
Sa pilot week pa lang ay may bed scene na agad sina Gabby at Phytos na talagang pinag-usapan ng mga manonood dahil first time nga itong ginawa ni Gabby on national TV.
Abangan n’yo na lang daw kung magkakaroon din sila ng kissing scene ni Phytos at kung may mas titindi pa sa kanilang bed scene.
Napapanood ang Contessa sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Eat Bulaga. Bida rito si Glaiza de Castro with Jak Roberto, Geoff Eigenmann, Lauren Young, Dominic Roco, Tetchie Agbayani, Chanda Romero at marami pang iba, sa direksyon ni Albert Langitan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.