“Mekeni, mekeni. Dug-dug do re mi!” Ito ang usong punchline at joke ngayon ng mga nanonood ng seryeng Bagani sa ABS-CBN.
Nag-trending ang linyang ito nang lumabas na ang karakter ni Dimples Romana bilang si Gloria. Ito ang kanyang inuusal kapag may ginagamot siya gamit ang iba’t ibang uri ng halaman. Ito rin ang ginamit niyang “magic word” kay
Lakas (Enrique Gil) nu’ng inakala niyang patay na ito.
Ganito rin ang ginawa ni Gloria nu’ng nasaksak si Apo (Diether Ocampo) dahil sa away nila ng kapatid niyang si Sarimaw (Ryan Eigenmann). At magkakilala pala sina Gloria at Apo dahil may nakaraan sila.
Maraming naaaliw sa karakter ni Dimples sa Bagani. Gustung-gusto rin ng manonood ang eksena kung saan nagbiro siya na gusto niyang makahalik ng guwapo at dahil nakatingin siya kay Enrique ay inakala ng binata na siya
ang gustong halikan.
Pero nagdayalog si Dimples ng, “Assuming ka. Hindi ikaw dahil may kasintahan ka na (sabay nguso kay Ganda na ginagampanan ni Liza Soberano).”
Patok din sa viewers ang dialogue niyang, “Anong pangalan mo (kay Liza)? Sa tribu n’yo, ganyan ang mga pangalan, Ganda. Mabuti na lang at hindi ka(nakatingin kay Makisig Morales) nakatira sa tribu nila dahil tiyak, papangalanan ka ng Panget.’
Hindi talaga matatawaran ang acting ability ni Dimples dahil maski saan mo siya ibato ay kayang-kaya niyang mag-shine. Bida-kontrabida, drama at comedy ay sisiw na lang sa aktres.
Pero hanggang ngayon ay may tumatawag pa rin sa kanyang Amanda, ang malditang anak ni Gloria (Sylvia Sanchez) sa seryeng The Greatest Love.
At mukhang greatest love rin ni Amanda ang karakter ni Ibyang na Gloria dahil ito rin ang pangalan ng karakter niya sa Bagani.
Anyway, abangan kung ano ang twist ng karakter ni Gloria sa Bagani na pinagbibidahan nina Liza, Matteo Guidicelli, Makisig, Sofia Andres at Enrique kasama sina Diether, Ryan, Zaijian Jaranilla, Rayver Cruz, Enzo Pineda, Precious Lara Quigaman, Robert Sena at marami pang iba mula sa Star Creatives.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.