Maja ibinuking si Maymay: Si Edward ang Oppa mo, no?! | Bandera

Maja ibinuking si Maymay: Si Edward ang Oppa mo, no?!

- March 25, 2018 - 07:18 PM

 

IBINUKING ni Maja Salvador ang “secret” ng magka-loveteam na sina Maymay Entrata at Edward Barber sa kanyang concert last weekend sa KIA Theater.

Isa si Maymay sa naging special guest sa “Maja On Stage” concert at dito nga tinuksu-tukso ni Maja ang PBB Lucky Season 7 Big Winner at ang screen partner nitong si Edward na dati ring PBB housemate.

Pagkatapos ng kanilang production number, napansin ni Maja na parang kinikilig at tila nahihiya si Maymay habang nasa stage kaya tanong sa kanya ng Wildflower actress, “Bakit ka ano? Kasi nandiyan yung Oppa mo, ano?

“Nasaan ba yung Oppa mo, hanapin natin yung Oppa mo, nandiyan yata yung Oppa mo, e!” hirit pa ni Maja na ang tinutukoy nga ay si Edward na nasa audience pala that night. Ang Oppa ay isang Korean word na ginagamit para
sa isang espesyal na lalaki sa buhay ng isang babae.

Agad na nilapitan ni Maja si Edward na nasa may gilid ng stage at diretsong tinanong kung siya ba ang Oppa ni Maymay, “Hi! Did you see the Oppa of Maymay? Are you, are you?”

Nangingiting sagot naman ni Edward, “Maybe.” Dito na nagtilian at nagpadyakan ang kanilang fans sa loob ng KIA. Nang balikan ni Maja sa stage si Maymay ay kitang-kita ang magkahalong nerbyos at hiya sa kanyang mukha
nito.

Aniya kay Maja, “Tinuro mo, e.” Na sinagot naman ni Maja ng, “Ay, bakit, hindi ba puwede?”

Tugon naman ni Maymay, “Hindi, secret lang yung…ay, joke! Ha-hahaha!” Na sinundan uli ng sigawan at palakpakan mula sa audience.

Hirit uli ni Maymay, “Ay, hindi! Ibig sabihin, sikreto lang na nandito siya!” Na hiniritan naman ni Maja ng, “Hindi, e. Sabi ko, may Oppa-oppahan  ako ‘tapos ikaw, nandiyan yung Oppa mo, totoong may oppa ka. Sabi mo,
secret lang!”

Kaya naman birong-pakiusap ni Maja sa mga manonood, “O, please, walang maglalabas sa social media, ha? Walang magta-tag kay Maymay at Edward, ako lang i-tag niyo.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Baling ulit ni Maja kay Maymay, “O, secret lang natin na Oppa mo siya!”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending