Reklamo ng fans: Mommy ng kilalang aktor sobrang epal | Bandera

Reklamo ng fans: Mommy ng kilalang aktor sobrang epal

Cristy Fermin - March 25, 2018 - 12:25 PM


KINAIINISAN pala ng mga tagasuporta ng kanyang sikat na anak ang isang female personality.
Nu’ng una ay okey lang sa tropa ang kanyang mga paalala na maging kalmado lang sa mga isyung kinapapalooban ng kanyang binata, pero nitong mga huling pagkakataon ay kinaiinisan na siya, dahil sa parang pagkampi pa niya sa mga taong kinukuwestiyon ng mga fans ng kanyang anak.
Kapag umaalis na sa kanilang bahay ang sikat na anak ng female personality ay panay-panay ang kanyang pagpapaalala, sasabihin niya, “O, anak, ang mga bilin ko sa iyo, ha? Huwag kang magpapa-late sa work mo, ayokong maging cause of delay ka, saka kapag may tumatawag sa pangalan mo, lilingunin mo, saka ngingiti ka!”
Palaging ganu’n, kaya ang biro ng sikat niyang anak, “Okey po, Mama, alam ko na po ‘yan. Minsan, magpapa-tape na ako ng mga sinasabi n’yo, para hindi na paulit-ulit ang pagbibilin n’yo.”
Positibo naman ‘yun, walang masama sa pagpapaalala, reality check ang tawag sa ganu’n para kahit sikat na ang kanyang anak ay palagi pa ring nakatapak sa lupa ang magkabilang paa nito.
Pero nitong mga huling linggo ay OA na ang pakiramdam ng mga fans ng kanyang anak sa mga ginagawa at sinasabi niya. Hinaharangan na raw niya ang karapatan ng mga ito.
Kuwento ng aming source, “Ito naman kasing si mudra, masyadong OA na kung minsan. May mabasa lang siyang pagtatanong ng mga fans ng anak niya tungkol sa isang bagay, e, umaariba na agad siya sa pagpapayo.
“Pero sa pagbibigay niya ng payong kumalma ang mga sumusuporta sa binata niya, e, parang gusto na niyang gawing pipi at walang pakiramdam ang mga nagmamahal at nakikipaglaban para sa idolo nila!
“Kesyo huwag daw silang nakikipag-away, cool lang daw sila, dahil kung ano ang mga sinasabi nila, e, magre-reflect sa idol nila! Kaya maraming naiinis na sa mudrang ito, epal na ang tingin sa kanya ng marami ngayon.
“Hinay-hinay lang kasi. Hindi naman niya bayaran ang mga nakikipaglaban para sa anak niya, kaya huwag niyang pinakikialaman lalo na kung wala naman silang sinasaktan!
“Naku, ha? May mga nagsasabi na nga na feeling-sikat na sikat na siya. E, anak niya naman ang lodi, hindi siya! Itapon niya ang pait, para makapag-move-on siya!”
Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, walk in the park lang ang pahulaang ito!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending