Ellen malapit nang manganak, pangarap ni Lloydie na magka-baby matutupad na | Bandera

Ellen malapit nang manganak, pangarap ni Lloydie na magka-baby matutupad na

- March 25, 2018 - 07:08 PM

Malapit nang umiri nang todo si Ellen Adarna para sa kanilang panganay ni John Lloyd Cruz. ‘Yun ay kung pormal na proseso ang kanyang pagdadaanan, pero kung ayaw niya namang mahirapan, kayang-kaya niya namang magpa-caesarian.
Ang importante ay ligtas si Ellen at ang kanilang baby ni Lloydie, ang mahalaga ay malusog ang ihahandog niyang pinakamakabuluhang regalo sa ama ng kanyang magiging anak, wala nang iba.
Isang kaibigan ni JLC ang nakakuwentuhan namin nu’ng minsan, ayon sa aming source ay ito ang matagal nang pinapangarap ng sikat at magaling na aktor, ang magkaroon na ng matatawag na sariling pamilya.
Marami nang nagdaan sa kanyang buhay, pero hindi ‘yun nauwi sa pagkakaroon nila ng anak, si Ellen Adarna raw ang kukumpleto sa buhay ni Lloydie.
Komento ng aming kausap, “Napaka-unpredictable din ng buhay ng mga artista, di ba? Sa dami ng naging karelasyon ni Lloydie, pinakamalayo sa isip natin na si Ellen Adarna pala ang makapagbibigay sa kanya ng anak.
“Akalain mo ‘yun? Ang bilis-bilis ng mga pangyayari, nagkaseryosohan sila, tapos ngayon, e, magkaka-baby na sila!
“Ito ang katuparan ng pangarap ni Lloydie, ang pagkakaroon ng anak, ang pagkakaroon ng pamilyang uuwian niya pagkatapos ng work niya.
“Ang tanong na lang, e, kung kailan nga ba siya magbabalik sa pagtatrabaho? ‘Yun lang ang naka-hang pa ngayon,” kabuuang kuwento ng aming source.
Mismo!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending