Loisa: Ok na kami ni Joshua, wala na pong rason para magalit sa isa't isa! | Bandera

Loisa: Ok na kami ni Joshua, wala na pong rason para magalit sa isa’t isa!

Reggee Bonoan - March 24, 2018 - 12:01 AM

JOSHUA GARCIA AT LOISA ANDALIO

SA taping ng seryeng The Good Son ay nakatsikahan namin si Loisa Andalio na gumaganap sa karakter ni Hazel, ang babaeng pinag-aagawan nina Jerome Ponce at Joshua Garcia bilang sina Enzo at Joseph.

Ayon sa dalagita ay labis siyang nagpapasalamat sa Dreamscape Entertainment dahil binigyan siya ng magandang role sa nasabing serye.

“Happy po ako kasi naipapakita ko ‘yung talent ko dito sa TGS, pinapakanta rin nila ako kaya sobrang happy po ako na pinagkatiwalaan nila ako,” kuwento ni Loisa.

Pero aminadong nahihiya si Loisa kapag kumakanta na siya sa set ng TGS dahil maraming nakakarinig, “Siyempre po nakakahiya kasi ‘yung mga cameraman, mas malapit nilang naririnig, so, nahihiya po ako, sanay lang po ako sa ASAP.”

Natanong din ang dalaga tungkol kay Joshua, alam naman ng lahat na may nakaraan sila ng binata kaya nagkaroon ng ilangan nang magtambal uli sila sa TGS, “Una awkward, parang lie-low pa kami, pero nu’ng tumagal parang okay na, mas masarap na sa feeling na wala kang iniiwasang tao. Pupunta ka sa set na masaya ka, ready kang magtrabaho, mas madali na.”

Magkaibigan na rin daw sila ngayon ni Joshua, “Nu’ng una po mahirap gawin (mag-usap) lalo na kung may mga yakapan ang eksena, inisip ko, ‘paano ko gagawin ‘yun?’ Kinausap po kami (ng production) na may time na halatang awkward kami. So, nag-usap kami kung paano namin gagawin nang tama ang mga eksena.”

Dugtong pa ng aktres, “Pag may eksena po o throwline, doon po nag-uusap kami, pero kung wala namang dapat pag-usapan, hindi na po. Magkasama po kami sa trabaho pero may kanya-kanya na kaming mundo ngayon. Dati hindi kami nag-uusap, sa set lang, ngayon nagsasabihan na kami ng throwlines,” kuwento ni Loisa.

Natanong kay Loisa kung nakatulong ba na may Ronnie Alonte na siya at may Julia Barretto naman si Joshua kaya nawala agad ang ilang factor, “Nakatulong, kasi masaya na siya, masaya na ako kasi wala ng reason para maging galit-galit pa.

“Masaya siya sa work niya, masaya rin ako, ang dami niyang trabaho, may ginagawa rin ako. Kaya happy ako na after ng lahat, ang ganda ng nangyari na sa amin,” esplikang mabuti ni Loisa.
Samantala, tikom din ang bibig ng dalagita sa tanong ng media kung sino talaga ang pumatay kay Victor Buenavidez (Albert Martinez), “Hindi pa rin po talaga namin alam.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending