6-buwang pagsasara ng Boracay inirekomenda mula Abril 26
NAKATAKDANG isumite ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), Department of Tourism (DOT) at Department of Interior and Local Government (DILG) ang kanilang rekomendasyon kay Pangulong Duterte na nagsusulong ng anim-na-buwang pagsasara ng Boracay simula Abril 26.
Sa isang panayam sa Radyo Inquirer 990 AM, sinabi ni Interior Assistant Secretary Epimaco Densing III na naging pinal ang rekomendasyon matapos ang kanjlang noong Huwebes ng gabi.
Idinagdag ng opisyal na dumalo rin si Aklan Gov. Florencio Miraflores sa isinagawang inter-agency meeting.
“Officially na in written form, ang recommendation ay isara po ang isla ng Boracay, huwag papasukin ang local at foreign tourists starting April 26, and six months thereafter,” sabi ni Densing.
“Ang desisyon sa date, ang rekomendasyon kasi ang huling may ‘say’ ay si Presidente,” ayon pa kay Densing.
Kasabay nito, pinayuhan ni Densing ang mga apektadong turista na maghanap na ng alternatibong pupuntahan.
“Dahil ho nakaamba ho iyang recommendation, kung alanganin sila at tingin nila eventually aaprubahan ni Presidente Duterte, ang suggestion ko ho ay lumipat na sila ng ibang mapagbabakasyunan,” ayon kay Densing.
“Anyway ho nakausap na ho ni Secretary Wanda Teo ang mga tour operators and airlines, they are willing to refund without penalty,” aniya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.