Paano hihiwalayan si mister na hindi iiwan ang mga anak?
HELLO, ateng Beth.
Magandang araw sa iyo at sa mga readers ninyo.
Tanong ko lang, tama bang hiwalayan ko ang asawa ko at iiwan sa kanya ang aming apat na anak?
Talagang hindi na kami magkakasundo. Sang-ayon din naman siya na maghiwalay na kami bago pa tuluyan masira lahat ng magagandang pinagsamahan namin.
Kaya lang, gusto ko po sanang isama ang apat kong anak, pero ayaw niya. Pag naghiwalay daw kami, dapat sa kanya mga bata. Pinag-iisipan ko po iyon. Pero parang di ko kayang wala mga anak ko, maliliit pa sila.
Pero wala rin naman akong ipangtutustos sa kanilang mga gastusin. Sa totoo lang po, may kaya ang pamilya ng mister ko at di malabong hindi niya matutustusan ang mga anak ko. Ano kaya ang mabuti kong gawin?
-Leny, Cebu City
Hello, Leny.
Ang pinakamainam mong gawin ay kumunsulta sa abogado para mabigyan ka ng mga
options.
Paghandaan mo ang mga bagay na ito. Seek moral support from your family and close friends.
It’s strange na willing siyang makipaghiwalay but unwilling to give up the kids.
For the meantime, try to see if you can have regular times with the kids kung maghihiwalay kayo. Have someone on your side na makaka-witness ng pagkakasunduan ninyo.
As early as now, talk to your kids and try to assure them of your love, ‘yun ay kung papayag kang makuha ng mister mo ang mga bata.
Then do something to improve yourself financially. Wag kang umasa lang sa husband mo o sa pwede na.
Above all, don’t let this crush you. Keri mo yan. Then keep moving forward!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.