Tren ng PNR walang bakasyon sa Marso 29, 30
Walang biyahe ang mga tren ng Philippine National Railway sa Marso 29 (Huwebes Santo) at 30 (Biyernes Santo).
Ayon sa advisory na inilabas ng Department of Transportation mayroong special operation ang PNR sa Marso 31 (Sabado de Gloria).
Aalis ang tren na biyaheng Tutuban-Calamba ng alas-6:37 ng gabi. Ang biyaheng Tutuban-Mamatid ay aalis ng 7:07 ng gabi at ang biyaheng Tutuban-Alabang ay 7:37 ng gabi.
Nauna ng inanunsyo ng Metro Rail Transit 3 na walang biyahe ang mga tren at ang bus augmentation service nito mula Marso 28 hanggang Abril 1.
Ang Light Rail Transit Line 1 at 2 naman ay walang biyahe mula Marso 29 hanggang Abril 1.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.