Problemado kay ate | Bandera

Problemado kay ate

Beth Viaje - March 21, 2018 - 12:10 AM

DEAR Ateng Beth,

Problema ko po ‘yung ate ko. Meron kasi siyang boyfriend na OFW. Nagkataon po na ‘yung BF niyang ‘yun ay asawa naman ng best friend ko. Pero hiwalay na po ‘yung OFW at best friend ko, pero siyempre kasal pa rin sila.

Sinabihan ko na si ate tungkol dito, pero ayaw niyang makinig. Ang katwiran niya, mahal nila ang isa’t isa kaya walang makakapigil sa kanya. Ano po kayang dapat kong gawin? Wala na rin namang magawa si mama sa kanya.

Elaine, Muntinlupa City

 

Dear Elaine,

Wala pala kayong magawa, e, di lalo sigurong walang magagawa si ateng Beth diyan, hahaha.

I mean, choice ni ate ‘yun, e. Alam niya ang totoo and yet insisted on mahal nila ang isa’t isa like teen agers na first time main-love.

So hayaan ninyo siya. Kung meron siyang dapat matutuhan dito, siya lang ang dapat humarap dun.

Hindi ninyo kailangan sumama. In the first place, nasabihan na ninyo siya sa posibleng maging consequence nang pinasok niya.

Hayaan ninyo na lang siyang sumaya while it lasts. And hopefully, mag-last din naman since hiwalay na rin naman pala si boyfriend sa kanyang dating misis.

Adults na naman siguro sila para mag-decide sa mga sarili nila.

Hija, huwag mo nang problemahin ang ate mo. Hindi rin naman makakatulong sa inyo ni mader na mai-stress kayo nang ganito.

Sabi nga ng matatanda: Buntot niya, hila niya. Walang dapat sisihin ang ate mo kundi sarili niya kung sakaling hindi maging maganda ang kahihinatnan ng kanyang relasyon sa kanyang BF ngayon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

May nais ihingi ng payo kay ateng Beth tungkol sa pakikipagrelasyon? Mag-text sa 09999858606.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending