Sa edad na 13, Awra may house & lot na at mamahaling sasakyan
NAPAKASWERTE ng pamilya ng Kapamilya child star na si Awra Briguela dahil bukod sa napakabait na nitong anak ay very generous pa. Sa edad na 13 ay napakarami nang achievements ng bagets.
Matapos ngang makabili ng sariling house and lot ay kumuha na rin ng van si Awra para sa kanyang family.
“Super laki po siyang tulong sa family ko, kaya naisip kong van na lang kesa kotse kasi madami kami, para magamit namin out of town, sa province namin, tsaka kapag nagswi-swimming kami,” kuwento nito sa isang panayam.
“Happy sila (family) kasi hindi rin nila akalain na sa murang edad ko makakapundar ako ng sasakyan na sa akin talaga and makakapundar din ako ng bahay at lupa kaya happy sila super. And thankful ako kay God kasi binigyan ako ni God ng ganitong opportunity,” aniya pa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.