Divorce inaprubahan ng Kamara sa ikatlong pagbasa | Bandera

Divorce inaprubahan ng Kamara sa ikatlong pagbasa

Leifbilly Begas - March 19, 2018 - 07:46 PM

Nagpahayag man ang Malacanang na ayaw ni Pangulong Duterte sa divorce bill, inaprubahan na ng Kamara de Representantes ang naturang panukala.
Sa botong 134-57 at dalawang abstention, inaprubahan sa ikatlo at huling pagbasa sa plenaryo ang House bill 7303 na magpapadali sa legal na paghihiwalay ng mga mag-asawa na hindi na maaayos ang hindi pagkakasunduan.
Ito ang unang pagkakataon na naaprubahan ng Kamara ang panukala sa ikatlo at huling pagbasa.
Sa ilalim ng panukala, kung mahirap ang maghahain ng divorce ay wala siyang babayaran. Ang gobyerno rin ang magbibigay sa kanya ng abugado at psychiatrist o psychologist na kakailanganin nito upang patunayan na hindi na maaayos ang problema nito sa asawa.
Iginiit naman ni Gabriela Rep. Emmi de Jesus, isa sa may-akda ng panukala, na ang panukala ay tugon sa panawagan ng mga kababaihan na nais na makawala sa mapang-abusong relasyon.
Kailangan umano ito upang maging opsyon ng mga babaeng ayaw na sa hindi magandang relasyon na napasukan nito.
“It is not at the President’s bidding that we file legislation. Let the legislative mill take its course,” ani de Jesus.
Ikinatuwa naman ni Buhay Rep. Lito Atienza ang pahayag na tutol si Duterte sa panukala.
“We strongly agree with the President that divorce would be very detrimental to mothers and children,” ani Atienza. “We admire the President’s display of strength and character.  He did not allow himself to be stampeded by the mob on this critical issue.  His strong leadership will forever be remembered for saving the Filipino family and future generations.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending