Maine proud na proud sa mga kabataang nakapagtapos dahil sa 'ADN Scholarship' | Bandera

Maine proud na proud sa mga kabataang nakapagtapos dahil sa ‘ADN Scholarship’

Jun Nardo - March 20, 2018 - 12:01 AM


MAAGANG gumising sina Alden Richards at Maine Mendoza para makibahagi sa gimik ng isang food chain kaugnay ng National Breakfast Day kahapon.

Magkahiwalay sila ng branch ng food chain na pinuntahan kung saan sila mismo ang nag-asikaso sa mga customer.

Si Meng ay nasa sariling franchise ng food chain sa Bulacan habang nasa ibang branch naman si Alden. Pagdating ng tanghali, sabay naman silang umapit sa Eat Bulaga.

Samantala, binati ng Phenomenal Star sa kanyang Twitter ang isa sa recipients ng kanyang ADN Scholarship Drive, si Laila Billones na na-graduate ng BS Accounting Technology.

“They succeeded amidst struggles and now, they are reaping the reward. Over the next few days, we will be presenting to you some of the first bath of ADNSD graduates,” ayon sa #ADNScholarship Drive.

“To Alden and Maine gusto kong sabihin na ALDUB PA RIN! But seriously, thank you, thank you kasi dahil sa inyo kaya nabuo itong Scholarship Drive na naging malaking tulong talaga sa ‘kin at sa family ko.

“Know that whatever happens sa inyong dalawa, marami na kayong mga taong natulungan. Naging instrument para magsama-sama ‘yung mababait na taong nakilala at tumulong sakin. Maraming maraming salamat! I love you two forever!” bahagi ng mensahe ni Laila kina Alden at Maine.

On-going pa rin ang pagbebenta ng well-loved items ni Maine sa Carousel para sa kanyang mga advocacy.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending