Horoscope, March 19, 2018 | Bandera

Horoscope, March 19, 2018

Madam Sophia |March 19,2018
facebook
share this

Horoscope, March 19, 2018

Madam Sophia - March 19, 2018 - 12:15 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Kung mananatili ang ugaling “clear minded” at pratikal mas lalong gaganda ang kabuhayan. Sa pag-ibig, upang wag makalasap ng kalungkutan, wag magseryoso sa isang taong bigla na lang dumating sa buhay mo. Mapalad ang 2, 17, 25, 34, 41 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-We”. Green at orange ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19)—Kung alam mong mali, tumigil ka na agad, bago ka tuluyang mapahamak. Sa pinansyal, habang nananatili ang kabutihan sa puso, lalong gaganda ang lagay ng kabuhayan. Sa pag-ibig, umiwas sa hangal na relasyon. Mapalad ang 3, 12, 27, 33, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Amara-Ananda-Om.” Red at pink ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20)— Iwasang bumili ng mga bagay na pahulugan at hindi naman kailangan, sa bandang huli nagiging kalat lang yan sa bahay. Sa pag-ibig, i-encourage ang kasuyo na magtipid upang mas mabilis kayong umunlad at yumaman. Mapalad ang 9, 12, 18, 27, 36, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Baba-Nam-Ke-Balam.” Magenta at white ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21)—Kung hindi napahiram ng salapi ang kaibigan dahil kapos ka rin, bigyan siya ng libre at walang bayad na moral support upang mas madali siyang maka-recover sa mga problema. Ang pagawa ng kabutihan ay nakapagbibigay din ng suwerte. Mapalad ang 4, 7, 28, 33, 39 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Govardana-Krisna-Om.” White at blue ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22)—Kapag patuloy mong minamahal ang isang tao ng hindi ka naghihintay na kapalit, mas lalong kang pagpapalain ng tadhan – maraming suwerte at mga biyaya ang darating sa iyo ng hindi mo inaasahan. Mapalad ang 7, 11, 26, 35, 43 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Speculum-Om.” Green at beige ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22)—Umiwas sa mga taong kayumanggi ang kulay at kulot ang buhok. Sila ang posibleng rumaket at manloko sayo. Sa pag-ibig sa kakaibang ligaya ka dadalhin ng kasuyong Aries. Mapalad ang 4, 17, 23, 26, 34, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Malka-Halka-Tetra-Om.” Blue at orange ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22)—Kikita ka ng malaking halaga kung sa bawat pagpapasya, isunod agad-agad ang pagkilos. Sa pag-ibig, isang Aquarius ang muli mong hahanggan, ngunit wala ring mainit na relasyong mabubuo. Nasa isang Taurus ang wagas na ligaya. Mapalad ang 7, 12, 22, 36 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Taph-Harth-Harath-Om.” Green at yellow ang buenas.

Libra – (September 23-October 23)—Mararamdaman mo ngayon na hindi pa rin kumukupas ang iyong karisma. Gamitin ang iyong likas na pang-akit, sa mga bagay na pagkakaperahan. Mapalad ang 3, 9, 19, 27, 39 at 40. Mahiwaga mong mantra: “Mandala-Ketu-Ayin”. Purple at magenta ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)—Iwasang ikukuwento sa mga kaibigan ang personal mong buhay. Hindi mo ba alam, idinadalahira ka lang nila kung saan-saan. Sa pinansyal, wag ipahalata sa mga kasama sa bahay na mapera ka, upang hindi ka nila mautangan. Mapalad ang 3, 8, 23, 28, 33 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Red at pink ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21)—Kung ang mga hayop ay napapa-amo, kaya mo ring paamuhin ang iyong amo na masungit. Sa pinansyal, sa pag-aalaga ng mga hayop na may dalawang paa, may suwerteng makukuha. Mapalad ang 6, 12, 19, 27, 34, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Agara-Sandhapa-Om.” Red at black ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19)—Kahit marami kang ginagawa, maglaan ng oras sa kasuyo upang lalong uminit ang pagmamahalan. Sa pananalapi, ang pagiging busy ngayon ay may katubas na malaking halaga ng salapi sa susunod na mga araw. Mapalad ang 6, 17, 24, 31, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Mimu-Soph-Agu-Ferrea.” Maroon at beige ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)—Hindi mo ba napapansin, sa pag-ibig tila hindi ka na lubusang lumigaya. Ayaw mo kasing sundin ang advice ng mga taong nakapaligid sa iyo. Sa pinansyal, patuloy na ilihim ang mabilis na pagyaman upang hindi ka mautangan. Mapalad ang 1, 13, 26, 33, 45 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Haram-Om.” Green at yellow ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pisces – (February 19 – March 20)—Upang umunlad gawin mo agad ng mabilis ang anomang bagay na pumasok sa iyong isip. Sa pag-ibig, huwag kang hangal, hindi pera ang hinahanap ng kasuyo, kundi romansa. Mapalad ang 7, 18, 25, 34, 40 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Namo-Namo-Om.” Black at yellow ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending