Sikat na female celeb 'pasaway queen', ayaw nang makatambal ang ka-loveteam na matinee idol | Bandera

Sikat na female celeb ‘pasaway queen’, ayaw nang makatambal ang ka-loveteam na matinee idol

Cristy Fermin |March 19,2018
facebook
share this

Sikat na female celeb ‘pasaway queen’, ayaw nang makatambal ang ka-loveteam na matinee idol

Cristy Fermin - March 19, 2018 - 12:15 AM


PAGPAPAKATOTOO lang ang hiling ng mga taong nagmamalasakit sa career ng isang pamosong female personality. Maraming bitbit sa buhay ang babaeng ito dahil hindi siya nagsasabi ng totoo sa publiko at sa kanyang mga tagasuporta.

Pananahimik at pagpapaawa epek ang kanyang drama na pinaniniwalaan naman ng mga tagahanga niya, pero ang totoo ay siya ang pasaway, marami siyang kadramahan sa buhay.

Kuwento ng aming source, “E, siya ang matigas ang ulo! Kung ano ang gusto niya, e, ‘yun ang kailangang mangyari, hindi ang kung ano ang ma-kagaganda sa career niya!

“Pinagwo-workshop siya ng mga nag-aalaga sa career niya, ayaw niya! Ewan kung ang akala niya sa sarili niya, e, magaling na siyang artista! Juice co-lored! E, para nga siyang kahoy sa tigas ng acting na alam niya!

“May pinaplano ang mga managers niya para sa kanila ng ka-loveteam niya, pero ayaw rin niya! Ano ba talaga ang gusto niyang mangyari sa career niya? Puwede ba ang ganu’n?

“Tinutulungan na nga siya ng mga taong concerned sa kanya at sa ka-rerang meron siya, pero pasaway siya, kinokontra niya ang mga plano para sa kanya!” naiinis na kuwento ng aming impormante.

Kunsabagay, kahit naman sa tunay na buhay ay pasaway ang female personality na ito, marami siyang ginagawang hindi naiintindihan ng mga taong nakapaikot sa kanya.

“Di ba, kailangan muna niyang kausapin ang mga nangangalaga sa career niya bago siya gumawa ng kahit anong decision? Para hindi siya malagay sa alanganin, para may sasalo sa kanya kapag pumalpak siya.

“Ay, hindi siya ganu’n, naloloka na lang ang ma-nagement group niya sa mga pinaggagagawa niya. Wala kasi siyang respeto sa mga taong nag-iisip ng makagaganda sa career niya.

“Tama na ang pananahimik at pagpapaawa, wala nang bibili ng mga drama niya. Napag-iiwanan na siya ng ka-loveteam niya. Hindi puwedeng hanggang ganyan na lang siya, habampanahon na lang ba siyang ganyan na lulukut-lukutin ang face niya?” napapailing na lang na pagtatapos ng aming source.

Ano, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, baka maunahan pa kayo sa panghuhula ng mag-asawang Jon at Ching Bautista Silverio?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending