Female celeb nagpakaboba sa ngalan ng pag-ibig, nabaliw kay singer-actor | Bandera

Female celeb nagpakaboba sa ngalan ng pag-ibig, nabaliw kay singer-actor

Cristy Fermin - March 18, 2018 - 12:15 AM


MARAMING masaya dahil sa wakas ay nakatagpo rin ang isang female personality ng karelasyong matatawag niyang kanyang-kanya talaga. At kapag sinabing kanya lang, ang ibig sabihi’y hindi siya nakikisahog lang.

Ilang taon na kasi ang nakararaan ay sobrang na-in love ang female personality na ito sa isang male singer na nakasama niya sa maraming proyekto, pero sorry na lang dahil walang kahit anong naramdaman para sa kanya ang lalaki, bigo siya.

Kuwento ng aming source, “Nakakahiya ang mga pinaggagagawa nu’n ni ____ (pangalan ng female personality), nagpupunta siya sa house ng guy, pinagtataguan naman siya, kasi nga, wala namang gusto sa kanya ‘yung tao?

“Ang ginagawa ng guy, kapag natunugan na niyang magpupunta sa house nila ang girl, e, hindi muna siya umuuwi. Magpupunta muna siya sa bahay ng isang friend niya, du’n siya nagpapalipas ng oras.

“Kapag nandu’n na sa house nila ang girl, kakuntsaba ni lalaki ang isang kasambahay nila. Walang ibang gagawin ang maid-of-cotton kundi ang i-text lang sa kanya kung nandu’n pa o umalis na ang girl!

“Inis na inis ang lalaki dahil ang tagal umalis ng female personality, sa halip nga namang nakapahinga na siya, e, hindi pa siya makauwi, dahil magtatagpo sila du’n ng babae!” napapailing na kuwento ng aming source.

Obsessed ang babae sa male singer. Kung anu-ano ang inireregalo niyang branded stuff sa lalaki na parang napipilitan lang namang tanggapin ang mga ibinibigay niya.

“Kapag nagkikita sila sa taping, e, sinisita ng girl ang mahal na mahal niyang male singer, ‘Ano ba? Bakit hindi mo naman isinusuot ang mga regalo ko sa iyo? Nag-effort ako, tapos, hindi mo man lang binibigyan ng importance?’ Ganern.

“Ngingiti lang ang guy, pero ang naglalaro siguro sa utak niya, ‘Naku, magsusuot na lang ako ng basahan, kesa sa gamitin ko ang mga bigay mong branded!’

“Nu’ng pahiyang-pahiya na siguro sa sarili niya ang girl, e, tinantanan na rin niya ang male singer. Wala nga namang mangyayari, nagiging sobrang TH at tanga na siya!

“May boyfriend na ngayon ang female personality, ang male singer naman, e, may asawa’t anak na, artista rin ang wife niya. Bangungot kung ituring ng male singer ang pinaggagawa ng babae, sa totoo lang,” pagtatapos ng aming impormante.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, may syupatembang na aktres din ang babaitang ito, parehong pangalan ng lalaki ang kanilang gamit. Getlak n’yo na?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending