BiGuel mas ganadong magtrabaho, ’Kambal, Karibal’ winner uli sa rating | Bandera

BiGuel mas ganadong magtrabaho, ’Kambal, Karibal’ winner uli sa rating

- March 18, 2018 - 12:25 AM


HINDI na talaga maaawat ang pag-ariba ng tambalang Biguel! Patuloy na nagpapakitang-gilas sina Bianca Umali at Miguel Tanfelix sa primetime series ng GMA na Kambal, Karibal.

Patunay dito ang pamamayagpag sa ratings game ng kanilang Kapuso serye at ang pagiging trending topic ng bawat episode ng programa sa social media.

In fairness, talagang adik na adik na ang manonood sa sa kuwento nina Crisan (Bianca) at Crisel (Pauline Mendoza) at pag-aagawan ng mga ito sa binatang si Diego (Miguel).

Kaya nga sabi nina Bianca at Miguel, mas lalo silang inspirado at ganado ngayon dahil sa walang-sawang pagsuporta ng viewers sa Kambal, Karibal.

Sey nga ni Bianca, “Kahit na mahirap ‘yung mga eksenang ginagawa namin, kahit na mas pina-level-up pa ang bawat atake namin sa aming mga karakter, lahat ‘yun napapalitan ng saya dahil naa-appreciate nila ang trabaho namin.”

Samantala, siguradong mananatiling hooked sa Kambal, Karibal ang Kapuso viewers dahil mas intense pa ang susunod na episodes lalo na ngayong alam na nina Geraldine (Carmina Villaroel) at Allan (Alfred Vargas) na buhay pa ang isa sa kanilang kambal na si Crisan pero ang kaluluwang nasa katawan nito ay kay Crisel!

Grabe lang ang mga nagaganap na twist sa kuwento ng KK gabi-gabi, huh! Malaman pa kaya ng kanilang mga magulang ang major switch na ito ng magkakambal? At makagawa kaya ng paraan si Crisan para makabalik sa kanyang katawan?

Tutukan lahat nang ito sa Kambal, Karibal, weeknights sa GMA Telebabad after Sherlock Jr..

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending