IBINUNYAG ni Presidential Spokesperson Harry Roque na posibleng magpatupad ng rigodon sa Gabinete si Pangulong Duterte sa harap ng pamumuro ng ilang mga kalihim.
“Talagang sabi niya na merong mga secretary na hindi siya happy sa performance at magkakaroon nga daw po ng mga pagbabago sa Gabinete,” sabi ni Roque sa isang panayam.
Nauna nang sinabi ni Roque na nananatili pa rin ang tiwala ni Duterte kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre sa kabila naman ng pagkakabasura ng mga kaso laban sa mga kilalang drug lord, kabilang na sina Kerwin Espinosa at Peter Lim.
” Well, galit po ang Pangulo talaga ano. At ang sa akin naman, palagi kong sinasabi, kung hindi natin kukuning literal ang Pangulo, seryosohin natin ang salita ni Pangulo. So sabihin na natin na nagbibiro nung sinabi iyon, ang mensahe naman po, hindi katanggap-tanggap sa kanya na ang mga malalaking isda ay hindi po napaparusahan,” dagdag ni Roque.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending