Ikatlong sunod na panalo puntirya ng Magnolia Hotshots | Bandera

Ikatlong sunod na panalo puntirya ng Magnolia Hotshots

Angelito Oredo - March 16, 2018 - 12:06 AM


Laro Ngayon
(Mall of Asia Arena)
7 p.m. NLEX vs Magnolia (Game 4, best-of-7 semifinals)

NABIGO sa unang laro ng serye ang Magnolia pero mula noon ay tumuhog ng dalawang sunod na panalo ang Hotshots laban sa NLEX Road Warriors.

Ngayong alas-7 ng gabi ay muling maghaharap ang Magnolia at NLEX para sa Game Four ng kanilang 2018 PBA Philippine Cup best-of-seven semifinal series sa Mall of Asia Arena, Pasay City.

Ipinamalas ng Hotshots ang matinding pamamaraan upang matabunan ang kakulangan sa manlalaro at maitala ang ikalawang panalo kontra NLEX, 106-99, noong Miyerkules upang makuha ang 2-1 bentahe sa serye.

Sinandigan ng Hotshots si Jio Jalalon na bumawi sa kanyang masamang paglalaro noong Game 1 sa pagtala nito ng career-high 25 puntos habang ipinagpatuloy naman ni Ian Sangalang ang mahusay na paglalaro sa pagtala ng bago nitong playoff high na 24 puntos.

Nabigyan ng mas mahabang playing time si Sangalang matapos na magtamo ng ACL injury ang beteranong si Marc Pingris na magpapahinga ng walong buwan.

Hindi rin makapaglalaro para sa Hotshots si Justin Melton na may iniindang hamstring injury.

Nag step-up din si Rafi Reavis na nagtala ng game-high na 10 rebound pati na sina Rome dela Rosa at Paul Lee na gumawa ng 17 at 14 puntos sa Game Three.

Inaasahang sasandigan ng Magnolia ang bitbit na momentum ngayong gabi bagaman naghahanda pa rin ito sa posibleng pagresbak mula sa Road Warriors.

“Again, it’s all about team effort, sustaining the aggressiveness, energy and intensity. Iyun naman ang gameplan namin, na kahit papaano nadala namin sa Game 3,” sabi ni Magnolia coach Chito Victolero.

“Thankful dahil iyung guards namin and big men nag-step up in this game, especially Ian and Rafi (Reavis) on both ends,” sabi pa ni Victolero patungkol kay Sangalang na nagdagdag ng pitong rebound upang tulungan si Reavis na nagtala ng game-high na 10 rebound pati na sina Rome dela Rosa at Paul Lee na may 17 at 14 puntos.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pilit naman tutulungan ng Road Warriors si Kiefer Ravena na nagtala ng team-high 20 puntos para sa NLEX na nakakuha rin ng 10 puntos kina Kevin Alas, JR Quinahan, Mike Miranda at Larry Fonacier.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending