Barangay Ginebra Gin Kings hangad manatili sa itaas | Bandera

Barangay Ginebra Gin Kings hangad manatili sa itaas

Melvin Sarangay |October 05,2018
facebook
share this

Barangay Ginebra Gin Kings hangad manatili sa itaas

Melvin Sarangay - October 05, 2018 - 12:12 AM


Mga Laro Ngayon (Oct. 5)
(Smart Araneta Coliseum)
4:30 p.m. Blackwater vs Meralco
7 p.m. Barangay Ginebra vs NLEX
Team Standings: Barangay Ginebra (5-1) Magnolia (5-1); Alaska (4-1); Blackwater (4-1); Phoenix (5-2); NLEX (4-2); TNT (4-4); San Miguel Beer (2-3); Meralco (1-3); Rain or Shine (0-3); North Port (0-6); Columbian (0-7)

MANATILI sa itaas ang hangad ng defending champion Barangay Ginebra Gin Kings sa pagsagupa sa NLEX Road Warriors sa kanilang 2018 PBA Governors’ Cup game ngayon sa Smart Araneta Coliseum.

Kung magwawagi ang Barangay Ginebra mauungusan nila kasalukuyang kasalo ng unahan na Magnolia Hotshots.

Subalit inaasahan ng Gin Kings ang matinding bakbakan kontra Road Warriors na nagpamalas ng matinding opensiba sa ilalim ng head coach nitong si Yeng Guiao, na nanggaling sa paghawak ng PH national squad sa 18th Asian Games at FIBA World Cup Asian qualifying tournament.

Target ng Barangay Ginebra ang ikatlong sunod na panalo at ikaanim sa pitong laro. Mangagaling din sila sa 101-99 panalo kontra Phoenix Fuelmasters sa kanilang out-of-town game sa Cagayan de Oro City.

Ang Road Warriors ay magmumula naman sa 124-106 pagwawagi laban sa Blackwater Elite.

Ito naman ang unang kabiguan na nalasap ng Elite sa loob ng limang laro.

Makakaharap ng  Blackwater, na kasalukuyang nakikisalo sa No. 3 spot, ang Meralco Bolts sa unang laro dakong alas-4:30 ng hapon bago ang alas-7 ng gabi na main game sa pagitan ng Barangay Ginebra at NLEX.

Ang Bolts ay kasalukuyang nasa ikasiyam na puwesto at nangangailangan ng panalo para mapalakas ang kanilang tsansa na makapasok sa quarterfinal round.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending