Singil sa kuryente magtataas ngayong Pebrero, ayon sa Meralco

Singil sa kuryente magtataas ngayong Pebrero, ayon sa Meralco

Pauline del Rosario - February 10, 2024 - 02:56 PM

https://bandera.inquirer.net/355210/madam-inutz-muling-nagreklamo-sa-sobrang-taas-ng-bayarin-sa-kuryente-umabot-sa-p40k-hindi-naman-po-ako-sa-palasyo-nakatira

INQUIRER file photo

TATAAS nanaman ang singil sa kuryente ngayong Pebrero!

Ayon sa power distributor na Manila Electric Co. (Meralco), asahan na madaragdagan ng P0.5738 kada kilowatt-hour (kWh) ang binabayarang kuryente.

Ang ibig sabihin niyan, ang overall electricity rate ay papatak ng P11.9168 kada kWh ngayong buwan.

Ang residential customers na kumukunsumo ng 200kWh kada buwan ay may dagdag na P115 sa kanilang total bill.

Baka Bet Mo: Madam Inutz muling nagreklamo sa sobrang taas ng bayarin sa kuryente, umabot sa P40k: ‘Hindi naman po ako sa Palasyo nakatira!’

Ayon sa Meralco, ang taas-singil ay dahil sa pagtaas ng presyo ng krudo bunsod ng papalapit na panahon ng tag-init.

Sinabi rin ng tagapagsalita ng power company na si Joe Zaldarriaga, na aasahang lalo pang tataas ang presyo ng kuryente sa darating na Marso.

“Meralco will ensure that we can meet the increase in demand, especially since we’ve already contracted suppliers for additional capacity to help cover our supply requirements,” sey niya.

Kung matatandaan noong nakaraang taon ay nagtaas din sa singil sa kuryente ang power cpmpany ng kaparehong panahon, pero ito ay dahil pansamantalang isinara nang dalawang linggo ang Malampaya field.

Dahil sa ginawang maintenance, napilitan ang kumpanya na gumamit ng mas mahal na alternative fuel upang makapag-supply ng kuryente sa mga apektadong lugar.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending