Barangay Ginebra Gin Kings itatabla ang semis series sa 2-all | Bandera

Barangay Ginebra Gin Kings itatabla ang semis series sa 2-all

Angelito Oredo - March 15, 2018 - 12:06 AM

Laro ngayong Marso 15
(Mall of Asia Arena)
7 p.m. Barangay Ginebra vs San Miguel Beer (Game 4, best-of-7 semifinals series)

PAKAY ng Barangay Ginebra Gin Kings na maitabla sa tigalawang panalo ang kanilang serye kontra three-time defending champion San Miguel Beermen sa krusyal na Game Four ng 2018 PBA Philippine Cup best-of-seven semifinals ngayon sa Mall of Asia Arena, Pasay City.

Magsasagupa alas-7 ng gabi ang Barangay Ginebra at San Miguel Beer kung saan asam ng Gin Kings mahugot ang ikalawang sunod na panalo at maitabla ang serye sa 2-all.

Matapos matakasan sa posibleng panalo sa Game Two ay ipinakita ng Gin Kings ang kakayahan na pantayan ang Beermen sa laro sa pagkontrol sa Game Three upang iuwi ang 95-87 panalo.

“We’re happy but we’re not satisfied. Hopefully, we can continue to play an A plus, plus game,” sabi ni Barangay Ginebra coach Tim Cone.

“I have to give credit to our guys. A lesser character team could have not responded the same way they did coming from a painful loss. It’s hard.”

Sinandigan ng Gin Kings sina Japeth Aguilar, LA Tenorio at kakukuha pa lamang na free agent na si Prince Caperal upang makaiwas ang Barangay Ginebra na malubog sa 0-3 sa serye. Nakapagtala si Aguilar ng double-double game na 25 puntos at 12 rebound.

“Napakalaking bagay nito because we can’t be down 0-3 against the best team in the PBA which is San Miguel,” sabi ni Tenorio matapos ang panalo sa Game Three sa itinalang 18 puntos, limang rebound at dalawang assist.

Matapos magtala ng career-best 26 puntos sa kanyang unang paglalaro sa Gin Kings matapos makuha bilang free agent ay nagtala si Caperal ng 12 puntos, kabilang ang 2-of-2 3-pointers na ang isa ay pumigil sa pag-atake ng Beermen na nakalapit sa tatlong puntos, 80-83, at nagtulak sa 11-0 bomba ng Ginebra.

Minsan pa nito pinigilan ang Beermen sa krusyal na huling minuto matapos matapik ni Caperal ang bola mula sa pasa kay Fajardo sa krusyal na inbound ng San Miguel Beer upang selyuhan ang panalo.

“We really have to be aggressive the whole game. We can’t be passive against this team. We have to contain their guards, of course June Mar and even their bench. That’s why they’re the best team in the league,” sabi ni Tenorio.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukod kina Aguilar, Tenorio at Caparal ay sasandigan din ng Gin Kings sina Joe Devance, Scottie Thompson, Sol Mercado at Jervy Cruz sa Game Four.

Nagtala naman si Fajardo ng sarili nitong double-double performance na 23 puntos at 16 rebounds bagaman hindi naisagawa ng Beermen ang taktika sa krusyal na yugto.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending