Kris may 5 ‘requirement’ para sa magiging GF ni Bimby
NAPAKABILIS daw ng paglaki ni Bimby, sabi ng kanyang super protective mom na si Kris Aquino.
Sa kanyang Instagram account, nag-post ang Queen of Social Media ng photo nilang mag-ina kung saan makikitang mas matangkad na ngayon si Bimby kesa sa kanya.
Nilagyan niya ito ng caption na: “This was from our IG Live earlier…my 10 year old (he turns 11 in 1 month & 6 days) is so much taller than me (i’m 5’3 in my bare feet, Thank God for platform heels) and he is definitely so much more madaldal than me – kanino kaya nagmana??? Good night, sleeping early – we have a shoot tomorrow.”
Sa comment section ng kanyang IG post, may nagtanong kay Tetay kung handa na ba siya sakaling magka-girlfriend na ang bunsong anak na magdiriwang na nga ng kayang 11th birthday sa April 19.
“Yes”, ang naging sagot ni Kris sa netizen pero aniya, magiging “demanding” daw siya pagdating sa pakikipag-girlfriend ni Bimby.
“We have a deal, I have to like her Mom & she has to be smart, studious, prayerful, and pretty,” pahayag ni Kris gamit ang hashtag na “#demanding.”
Samantala, may isa namang IG follower si Kris (@yanoyandecierdo) ang nag-request na sana’y magkasama naman sila ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez sa isang proyekto.
Mensahe nito kay Tetay, “Hi @krisaquino sana po magkasama na kau sa isang project ni @reginevalcasid or mag guest man lng sya sa isa sa mga webisodes nyo. Napakarami pong mga fan ang matagal nang nag aantay mangyari yun. Love you both po my Idols!”
Ayon naman sa isa pang netizen, “Oo nga. Naalala ko kahit si Ms. Kris favorite at idol ang Songbird kaya sana magkaroon sila ng special webisode. Thank you Ms. Kris in advance.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.