Maine nagbenta ng personal na gamit para sa pag-aaral ng mahihirap na kabataan | Bandera

Maine nagbenta ng personal na gamit para sa pag-aaral ng mahihirap na kabataan

Jun Nardo - March 14, 2018 - 12:05 AM


UMARANGKADA ang pagtulong ni Maine Mendoza sa mga batang gustong makapagtapos ng pag-aaral.

Ni-launch niya kamakailan ang isang fundraising drive na ang layunin ay makatulong sa pag-aaral ng mga kapuspalad nating mga kabataan.

Sa pakikipagtulungan sa ADN Angeles, nagbebenta ng ilang gamit si Meng. Binalak niyang magsagawa ng garage sale nu’ng una pero dahil sa ibang commitments, minabuti niyang makipag-tie up sa Carousel.

Sa kanyang Twitter account, inilabas ng Phenomenal Star ang link sa Carousel para makita ang mga gamit niya na pwedeng bilhin ng kanyang mga fans and supporters.

Imagine, magkakaroon na kayo ng gamit ni Maine, makakatulong pa kayo sa fund drive niyang ito, huh!
Para sa mga hindi pa nakakaalam, marami pang charity works na ginagawa ang Dubsmash Queen. Hindi na lang niya ito ibinabandera pero napakarami na niyang natulungan, lalo na ang mga kapuspalad nating mga kababayan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending