Relasyong Ronnie-Loisa seryosohan na | Bandera

Relasyong Ronnie-Loisa seryosohan na

Ervin Santiago |March 11,2018
facebook
share this

Relasyong Ronnie-Loisa seryosohan na

Ervin Santiago - March 11, 2018 - 12:15 AM

RONNIE ALONTE AT LOISA ANDALIO

MATAPOS ang sunod-sunod na kamalasang tinamo ng kanyang pamilya, matututunan na ni Gelli (Loisa Andalio) ang magpakumbaba at humingi ng tawad sa lahat ng naging kasalanan niya kay Robin (Ronnie Alonte) sa Wansapanataym Presents: Gelli in a Bottle ngayong Linggo ng gabi.

Hindi na nga kakayanin pa ng konsensya ni Gelli na makitang nahihirapan ang kanyang mga magulang, kaya naman siya na mismo ang lalapit kay Robin at ipakikita ang kabusilakan ng kanyang puso upang mapatawad siya nito.

Nangyari ito matapos magkapalit ng estado sa buhay ang dalawa ng hilingin ng binata na maging mayaman sila, at ang kapalit nito ang paghihirap nina Gelli dahil sa parusa ng pagiging genie.

Ngunit hindi rin agad-agad na magiging maayos ang kanilang pagkakaibigan dahil pilit na kukunin ni Gelli ang bote mula kay Robin upang makahanap ng bagong master na maghihiling na makalaya siya sa bote.

Dahil dito, mapapahamak ang kanyang buhay dahil sa kanyang pagtakas, hindi niya mapapansin ang isang kotse na paparating na maglalagay sa kanyang buhay sa panganib.

Bumalik pa nga kaya ang buhay ni Gelli sa dati? Makaligtas nga ba siya mula sa kapahamakan?

Huwag palampasin ang kwentong kapupulutan ng aral sa Wansapanataym Presents: Gelli in a Bottle ngayong Linggo sa ABS-CBN.

Samantala, mukhang seryoso na nga ang relasyon nina Ronnie at Loisa in real life, ha! Sa mga litrato nila na nakikita namin sa social media, talaga namang lalanggamin ang sinumang lumapit sa kanila dahil sa sobrang kaswitan.

ilig na kilig siyempre ang kanilang mga fans na puro pampa-good vibes ang mga ipino-post patungkol sa relasyon ng Kapamilya loveteam.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending