Magulang ni Billy hindi dadalo sa Balesin wedding nila ni Coleen | Bandera

Magulang ni Billy hindi dadalo sa Balesin wedding nila ni Coleen

Julie Bonifacio - March 09, 2018 - 12:20 AM

JAY-R AT BILLY CRAWFORD

KINUMPIRMA ng King of R&B na si Jay-R na hindi dadalo ang parents ng kaibigan niyang si Billy Crawford sa wedding nila ni Coleen Garcia na magaganap sa Balesin Island on April 20.

Sa exclusive interview namin with him sa labas ng grand ballroom ng Luxent Hotel kung saan ginanap ang presscon ng Cornerstone Concerts para sa walong major shows na gagawin nila for 2018, naikuwento niya ang ilang detalye about the wedding.

“Yung dad ni Billy may sakit, hindi makalipad. Nasa US sila,” lahat ng Kapamilya singer.

Taliwas ito sa bali-balita na ‘di raw sisipot ang parents ni Billy sa wedding niya dahil hindi nila type si Coleen for their son. At ang dahilan, parang si Billy raw kasi halos ang bumubuhay kay Coleen at sa pamilya nito, financially.

“Oh, no! Although siyempre, hindi maiwasan ‘yung mga problems. Friction between people, ‘di ba? Mga in-laws, ‘di ba? Pero I wouldn’t say ayaw nila si Coleen,” say pa ni Jay-R.

Pero ‘di naman niya itinanggi na may problema between Billy’s parents and Coleen, sagot niya, “Oo, pero solved naman. Wala, wala nang problema, na-solved na.”

Wala man sa wedding niya ang parents ni Billy, definitely, sisipot si Jay-R sa kasal ng kaibigan. May malaking bahagi siya sa kasal ng kanyang best friend.

Bukod sa pagiging groomsman ni Billy, siya rin daw ang naatasang magplano para sa Bachelor’s party ni Billy.

“Oo, kasi alam nila na matino ako kaya sa akin nila binigay. Wholesome (siya),” sabay tawa ni Jay-R.

Tinanong na rin namin siya kung ano ang wish niya para kina Billy at Coleen, “Longevity talaga, understanding. ‘Yun naman talaga ang successful traits sa mga relationship.”

Tinanong din namin si Jay-R kung may plano na rin ba silang magpakasal ng girlfriend niyang si Mica Javier, member ng Girl Trend at anak ng may-ari ng Andok’s na si Sandy Javier.

“Wala pa,” ngiti niya. “Pero may plano naman but not anytime soon. We just had our fifth anniversary last March 1. And we’re doing great. I’m very supportive sa mga pangarap niya. Kaya ayoko ring i-rush (magpakasal). Ang importante sa amin, loyal kami, happy kami together.”

At gaya ni Billy, umalis na rin si Jay-R sa talent management ni Arnold Vegafria, na ikinagulat din ng mga taga-showbiz, “Well, ano, e, may natira naman, si Kris Lawrence. Pero, kasi si Arnold mas ano siya ngayon, umaangat talaga siya in so many ways. International talaga siya like Miss Universe, you know, Miss World and also sa sports events.

“And ako, I don’t want to pull him down na parang, ‘Hoy, Arnold, take care of me, take care of my music.’ Gusto ko ‘yung parang umaangat din siya. So, I don’t want to hold him down,” lahad ni

Nilinaw ni Jay-R ang kumakalat na balitang may problema sila kay Arnold regarding money, “Lagi namang may issue ang money, e. Hindi lang sa management but like sa mga companies, laging may delay. So, minsan naa-adapt ‘yung mga delay.

“Hindi naman kasalanan ng management ‘yun. Pero siyempre, it’s the management that do the business with them. So, akala ng mga artist sa management. Pero sa akin, it’s the delay of payment lang from the other companies. So, kaya siguro may tsismis na may nangyayari na ganu’n.”

***

Isa si Jay-R sa mga bagong artists ng Cornerstone ni Erickson Raymundo. Kaka-sign lang daw niya a month ago.

“Lumipat ako sa Conerstone kasi nakikita ko ‘yung ginagawa nila, ‘yung mga concerts, ‘yung paglabas ng mga original music. Ako advocate talaga ng OPM, and gusto ko ‘yung management ko is in the same direction as me.

“Kasi meron din akong Homeworkz, e, ‘yung record label ko. We really pushing for OPM at ‘yun din ang ginagawa ng Cornerstone,” esplika niya.

Magkakaroon ng concert si Jay-R na ipo-produce ng Cornerstone Concerts kasama ang The Voice of the Philippines champion na si Jason Dy at ang Queen of Soul na si Jaya sa KIA Theater on August this year.

Bukod dito, ipo-produce rin ng Cornerstone ang nalalapit na anniversary concert ni K Brosas titled “18K” this April 28 sa KIA Theater din. Kasunod nito ang 10th anniversary concert naman ni Richard Poon on May 18 sa Newport Theater, Resort’s World Manila.

Sa June naman ang first major solo concert ng Asia’s Soul Supreme na si KZ Tandingan na gagawin sa Araneta Coliseum. Then, sa Sept. 22 magaganap ang 15th anniversary concert ni Erik Santos sa MOA Arena. And finally, ang “The Divas Live II” sa Big Dome sa November, 2018.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

May concert din ang Cornerstone para sa international YouTube sensation na si AJ Rafael. Sasamahan siya ng mga bagong recording artists na ginu-groom ng Cornerstone tulad nina Janina Vela (daughter of Pastor Paolo Punzalan) na apo ng yumaong radio and TV personality na si Helen Vela at pamangkin ni Princess Punzalan, Kyle Echarri, Alex Diaz, Claudia Barretto (anak nina Marjorie Barretto at Dennis Padilla) and Jayda (anak nina Dingdong Avanzado at Jessa Zaragosa).

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending