Pinababa ang may 850 pasahero ng tren ng Metro Rail Transit 3 kahapon matapos magkaroon ng error ang ATP signaling system nito.
Alas-5:53 ng umaga ng masira ang tren sa Guadalupe south bound station. “The whole train was unloaded, with approximately 850 passengers,” saad ng ipinadalang advisory ng DoTr-MRT. “One cause of ATP (Signaling) Error is worn-out ATP sub-components (e.g. ATP sensor).” Noong Lunes ng hapon ay isang tren din ng MRT ang nagkaroon ng ATP signaling error alas-5:13 ng hapon. Pinababa ang may 350 pasahero sa Quezon Ave., southbound. Kahapon ay nagbigay naman ng libreng sakay sa mga kababaihan ang Light Rail Transit 2 at MRT 3. Ang libreng sakay ay para sa pagdiriwang ng International Women’s Day at Ipinatupad mula alas-7 hanggang 9 ng umaga at mula 5 ng hapon hanggang 7 ng gabi.Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending