Katawan ng 2 manggagawa nahukay sa landslide sa Bohol | Bandera

Katawan ng 2 manggagawa nahukay sa landslide sa Bohol

|March 07,2018
facebook
share this

Katawan ng 2 manggagawa nahukay sa landslide sa Bohol

- March 07, 2018 - 04:54 PM

NAREKOBER na ang dalawang manggagawang nalibing ng buhay matapos ang nangyaring landslide sa isang quarry site sa paanan ng bundok sa Sitio San Isidro sa Barangay Candabong,Anda, Bohol.

Unang natagpuan ang bangkay ni Ariel Abac, 32 ganap na alas-11 ng umaga, samantalang nahukay naman ang mga labi ni Valeriano Galeyo makalipas ang isang oras.
Sinabi ng misis ni Abac na si KC, na natawagan pa niya ang cellphone ng mister noong Martes, 12 oras matapos ang nangyaring landslide noong Lunes ng hapon.

“I was still hoping that he was alive. His three children were waiting for him,” sabi ni KC, 25.

Sinabi ng bayaw ni Abac na si Ramon Peñaranda na nasa quarry site ang mga biktima para manguha ng anapog (limestone).

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending