Mayabang na male singer pinagtripan ng mga bagets, hinablot, hinampas, sinampal | Bandera

Mayabang na male singer pinagtripan ng mga bagets, hinablot, hinampas, sinampal

Cristy Fermin - March 08, 2018 - 12:15 AM

ANG natural ng kabaitan ng isang tao, anuman ang mangyari, ay siguradong lulutang at lulutang. Kung paanong ang kayabangan, sa anumang pagkakataon, ay palagi ring maghahari.

Hindi naitatago ang kahambugan, kakambal na ‘yun ng inunan nang siya’y ipanganak, nasa kaitaasan man ang kanyang popularidad o pinaglipasan na ang kanyang panahon.

Tulad na lang ng isang male performer na pinagtatakahan ng mga show promoters-producers kung saan humuhugot ng kayabangan. Hindi na siya gaanong mabenta ngayon, paminsan-minsan na lang siyang nagkakaroon ng mga raket, pero ang kanyang kahambugan ay ramdam na ramdam pa rin ng kanyang mga kasamahan.

“Grabe, ang alam kasi namin, kapag hindi na masyadong in ang isang personality, e, medyo nagpapakumbaba na siya. Galing sa isang talent search ang male performer na ‘yun!

“Nanalo siya dahil napaniwala niya ang isang hurado tungkol sa kanyang madramang buhay na kunwa-kunwarian lang naman pala! Impernes, magaling naman talaga siyang kumanta, pero meron siyang attitude!

“Ang tingin niya sa sarili niya, e, super-sikat na siya, na siya na ang pinakamagaling, kaya wala siyang pakialam sa mga kasamahan niya. Deadma siya sa mga mas sikat pa nga sa kanya, kailangang sa kanya nakatutok ang attention ng lahat, KSP ang male performer na ito!” inis na simulang kuwento ng aming source.

Sariwa pa ang kuwentong ito, ilang linggo pa lang ang nakararaan, napasama ang male performer sa mga inimbitahang artista sa isang malakihang festival.

“May magandang point naman ang mga organizers na ipunin na ang mga magpe-perform sa backstage para hindi sila masaktan papunta sa stage kapag tinawag na ang name nila. Mas magandang nandu’n na sila agad sa backstage.

“Ayaw ni ____ (pangalan ng male performer) sa ganu’n! Sa van na lang daw siya, tawagin na lang daw siya kapag malapit na siyang mag-perform! Feeling-sikat ang lalaking ‘yun, e, mas mga sikat nga ang pumayag na nasa backstage na agad!

“Ayun, nu’ng siya na ang magpe-perform, nasaktan ang hambog na singer, pinaghahablot siya ng mga nagti-trip na bagets, binatukan siya, may sumampal pa nga sa kanya! O, loko! Di nakita niya ang ayaw niyang makita!

“Naku, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, too much angas talaga will kill him, sa totoo lang! Getlak n’yo na kung sino siya?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending