Horoscope, March 07, 2018 | Bandera

Horoscope, March 07, 2018

Madam Sophia |March 07,2018
facebook
share this

Horoscope, March 07, 2018

Madam Sophia - March 07, 2018 - 12:15 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Unahin ang pagsisimba at mga bagay na may kaugnayan sa ispiritwal. Makikita mo ang resulta, magugulat ka, isang nilalang na may kayumangging kulay ng balat ang magbibigay sa iyo ng kakaibang saya at malaking halaga. Sa pag-ibig, ngitian ang kasuyo upang agad mapapawi ang kanyang problema. Mapalad ang 2, 16, 25, 28, 38 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Visnu-Veda-Vidya-Om.” Green at blue ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19) — Sa pagdedesisyon, wag nang magpatumpik-tumpik pa, magpasya na agad. Sa ganyang paraan ay mas madali ka ring magkakapera. Sa pag-ibig, markahan na ang kalendaryo ang petsa ng binabalak na paga-outing at pagsu-swimming ngayong tag-araw. Mapalad ang 6, 18, 27, 33, 44 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Babanam-Kebalam.” Violet at pink ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20) — Upang pumasok ang maraming pera, tandaang bawal magalit. Sa pag-ibig, sa pagiging mahinahon ay mananatili ang isang maunlad at masarap na relasyon. Tandaang “love at sex” ang susi upang magtagumpay at lumigaya ang isang Taurus. Mapalad ang 3, 18, 24, 27, 33, at 42. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Pink at orange ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21) — Magtiwala sa kaibigang Capricorn, sa pamamagitan niya ay titiba kayo nang malaking halaga. Sa pag-ibig, wag paghinalaaan nang hindi maganda ang kasuyo upang magtuloy-tuloy ang isang masaya at nakakikilig na relasyon. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 41, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Padme-Om-Purana-Om.” Gray at red ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22) — Hindi dapat kainipan ang suwerte. Kasabay ng tumitinding init ng tag-araw, papasok ang magagandang kapalarang may kaunayan sa salapi at materyal na bagay. Sa pag-ibig, inip nang naghihintay ang isang Scorpio, pagbigyan mo na siya. Mapalad ang 7, 16, 21, 39, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Tetra-Malikha-Om.” Green at silver ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22) — Sa maling desisyon mauubos ang pera. Bago magpautang sa isang kakilala, isipin muna nang 10 beses. Sa pag-ibig, hangga’t hindi napapanatag ang puso, walang permanenteng ligayang makakamit. Mapalad ang 4, 10, 29, 34, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Araanam-Kebanam.” Pink at yellow ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22) — Tulad nang dati ay hindi mo napapansin, madalas kang magkakapera pero madali namang maubos. Magtipid! Sa pag-ibig, may tampuhan upang muling magkabati at lalong iinit ang romansa. Mapalad ang 5, 9, 27, 33, 42, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Trik-Padha-Vik-Bhuti-Om.” Lilac at blue ang buenas.

Libra – (September 23-October 23) — Iwasang maging pusong mamon, mas mainam na ang maging pusong bato lalo na ang pagdedesisyunan ay magkaugnayan sa salapi at materyal na bagay. Sa pag-ibig, wag basta-basta magtampo sa kasuyo, alalahanin mong panghabambuhay na relasyon ang nakataya. Mapalad ang 3, 21, 24, 30, 35, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Speculum-Om-Homine.” Lilac at white ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21) — Patuloy na lalago ang iyong kabuhayan, pero dapat na ito ay ilihim mo lang sa iba upang lalo pang lumago at dumami ang iyong pera. Sa pag-ibig, tuloy ang masarap at kakaibang romansa. Mapalad ang 1, 20, 29, 33, 44 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Green at red ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21) — Isang kaibigan ang mangangailangan ng tulong. Naramdaman niya kasi na marami kang pera. Imbes na magpautang, magbigay na lang ng konting halaga, alalahanin mong matapos mangutang ang mga tao, pahirapan na ang paniningil nito. Sa pag-ibig, ngayon pa lang paghandaan na ang pagsu-swimming kasama ang mga mahal mo sa buhay. Mapalad ang 3, 18, 27, 29, 31, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vah-Weh.” Green at yellow ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19) — Hangga’t kaya pa, magpasensiya at magtiis. Sa pinansiyal, tiis-tiis lang muna, uunlad at yayaman din kayo pagdating ng araw! Sa pag-ibig, hindi dapat pagsungitan ang kasuyo upang magkaroon siya ng tiwala sa kanyang sarili at ng muling uminit ang inyong relasyon. Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 41 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dosya-Gayatri-Om.” Green at purple ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18) — May sopresang naghihitay! Muli kayong magkikita ng isang dati ng minahal, nag-aapoy na romansahan ang kasunod. Sa pinansiyal, mas higit sa iyong inaasahan ang darating na bultong halaga ng salapi. Mapalad ang 4, 19, 22, 28, 34, at 42. Mahiwaga mong mantra: “Dosya-Ananda-Marga.” Pink at red ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pisces – (February 19 – March 20) — Sa pagtulong sa mga nangangailangan mas maraming biyaya ang nakalaan. Sa nalalapit na Mahal na Araw, lihim kang dumalaw sa mga charitable institutions na paborito mong puntahan at magbigay ng konting tulong. Sa ganyang paraan lalo kang pagpapalain ng kapalaran. Mapalad ang 7, 11, 27, 34, 43 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Krato-Joviyo-Om.” Magenta at beige ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending