Sexy star Walwal Queen, taob ang lasenggong BF sa inuman | Bandera

Sexy star Walwal Queen, taob ang lasenggong BF sa inuman

Cristy Fermin |March 07,2018
facebook
share this

Sexy star Walwal Queen, taob ang lasenggong BF sa inuman

Cristy Fermin - March 07, 2018 - 12:15 AM


BUMAKLAS na sa dati niyang gawi ang isang female personality, ibang-iba na ang kanyang dating ngayon, nagbabu na siya sa pagba-bar hopping na naging buhay na niya nang napakatagal na panahon.

Dati kasi, kapag matindi na ang naiinom ng sexy actress ay nagwawala na siya sa floor, iniikot niya ang buong bar habang hawak ang baso sa kawawalwal.

Kilalang-kilala siya sa ganu’n, wala siyang sinisino, kapag nataypan niya ang lalaki ay kakandong pa siya na parang wala lang.

Komento ng isang source, “Ang nagagawa nga naman ng pag-ibig, bigla siyang nagbago, magwawalwal man siya ngayon, e, in private na! Hindi na siya nagiging laman ng bar.

“Mahihirapan siyang tanggalin ang pag-inom, bagets pa kasi siya, e, ‘yun na ang mundo niya, siguradong umiinom pa rin siya ngayon pero disiplinado na siya. Kailangan dahil kung hindi, e, baka magmukhang bote ng alak ang magiging anak niya!” natatawang kuwento ng aming impormante.

Sa walwalan din sila nagkakilala ng kanyang karelasyon ngayon, nagkakuwentuhan sila nang masinsinan habang umiinom sila, hanggang sa isang araw ay nauwi na ‘yun sa isang relasyon.

“Pareho lang kasi silang mahilig sa pag-inom. ‘Yung guy, kapag hindi nasasayaran ng alak ang lalamunan, e, parang hindi na makahinga, parang hindi na siya mabubuhay.

“Pero wala siyang binatbat sa girl, nakatihaya na siya sa kalasingan, e, nakatayo pa rin ang girl, ganu’n siya katindi sa walwalan. Talung-talo niya ang boyfriend niya.

“Pero kuwento ng mga friends nila, e, hindi na gaanong umiinom ngayon ang girl. Pinagbawalan na siya ng kanyang doktor, medya-medya na lang siyang magwalwal ngayon dahil makakaapekto sa sitwasyon niya.

“Kailangan niyang magtiis in the name of love, marami na siyang kailangang iwasan ngayon dahil sa kalagayan niya. Si lalaki, e, walwal pa more! Pero ang girl, kailangan niyang magtiis!

“Kailangan pa ba ng clue kung sinu-sino sila, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday? Kahit papikit, Jon at Ching Bautista Silverio, sapul n’yo agad kung sinu-sino ang mga bumibida sa ating kuwento.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending